Chapter 2: Gone

119 12 7
                                    

☁️

Jackie's POV

"Sure na ok lang ikaw lang mag-isa pupunta don? Wag mong hayaan na magalit muna kay mommy ah. Pag-usapan niyong mabuti kung anong gagawin ng maayos."

Sabi ko habang tinutulungang isuot yung jacket ni Fred.

"Yes mi. Sana nga maayos muna nila ni daddy. Maliit pa din naman si Sunny diba. Sana wag niya muna akong hanapin"

"Fred, matalino yang anak mo noh.. at alam niya kung wala ka dito syempre hahanapin ka talaga nun."

"Hay ...ang hirap mi gusto ko mag stay pero kailangan ko muna umalis"

"Alam ko naman eh and I understand. Yun nga lang sana hindi ka magtagal. Hindi lang naman si Sunny makakamiss sayo eh. Sobra kitang ma miss di."

Niyakap ko naman ito. Hay basta talaga mga ganitong moment nagiging bata ako sa pagka clingy sa asawa ko.

"Huhu mi don't make it hard for me haha"

"Haha sorry. Sige na di alis ka na habang tulog pa si Sunny."

"Ingat kayo dito ah. Babalik din ako. Babalik din sayo. Ikaw lang ang lagi kong babalikan at uuwian mi. Mahal kita. Mahal na mahal."

Niyakap niya ako at hinalikan ang ulo ko. Pinipigilan ko lang yung mga luha ko. Ewan ko ba lagi naman siya sa Cebu noon eh kaso iba talaga pag may pamilya na kayo. Gusto mo na lang lagi kayong kumpleto.

"Mahal na mahal din kita di. Lagi ka mag facetime sa amin ha"

"Oo naman.paano ba yan aalis na ako mi"

"Sige na alis ka na baka ma late ka sa flight mo"

Nagkahalikan pa kami muli at hinalikan niya ang ulo ni Sunny...maya maya pa ay nagtungo na siya sa pinto at tiningnan ako...saka niya isinarado.

Nung sinarado ni Fred ang pinto ng kwarto, dun na bumagsak ang luha ko.
Tiningnan ko na lang si Sunny at napayakap dito. Sinubukan ko na lang na matulog ulit.

-----------

"Ma'am Jackie? Yung design niyo po na coffeetable may tatlong made to orders po this month remind ko lang po kayo." Sabi ni Kyle, my assistant.

"Ay oo nga pala. salamat. Di ko pa ba yun na forward kay Jane?"

"Hindi pa po ata eh."

"Sige forward ko na ngayon. salamat sa reminders."

"Tsaka may meeting ka po next week kay Mr.Tan sa Batangas"

"Shocks ano ba to ito ba ang tawag nila na mommy brain?"

"Haha ok ka lang po ba ma'am Jackie?"

"Oo ok lang. Marami lang iniisip."

"Sige po. Do you need anything po?"

"Mango juice na lang Kyle, please"

"Ok right away po"

"Thank you"

Napahilamos ako ng mukha. Marami ata akong nakakalimutan ngayon. Nandito man sa trabaho ang katawan ko naka kay Fred at Sunny naman yung isip ko.

"Konting tiis, Jackie. Masasanay ka rin"

"Hello!!!!"

"Ay kabayo! Sheena ano ba!"

Under the Same Sky [Book#3: Under The Same Series]Where stories live. Discover now