Chapter 15: Sky

86 6 3
                                    

☁️

Fred's POV

It was indeed an emotional day. Yung ilang buwan na pagpaplano ay naging worth it din sa wakas. Hindi mababayaran ng anumang pera ang saya na nararamdaman namin ngayon. Lalo na na nandito na si mommy in the flesh with us finally.

"Nako Jackie wag kang mag alala tapos na yun. And I will do anything for my family." sabi naman ni mommy kay Jackie at nagyakapan sila.

"Ano ba yan tama na muna ang iyakan at may hinanda akong simpleng salu salo sige na kumain na muna tayo!" Pagyaya ni mommy Jocy

"Nako salamat mare!"

"Ano ka ba maliit na bagay I am so happy na nandito ka na mars! Tara na!"

Inintroduce namin si Miguel and her parents sa lahat. I could have not done this without their help. Miguel and Michael both helped me and daddy Jo para maisagawa ang plano na ito. Mabuti na lang talaga marami ang mga nagmamahal sa amin ni Jackie.

May mga nagpaiwang pulis para bantayan muna kami for the mean time and the Makati Central Police District sent us a video confirming Trixie and Arthur were in jail. They will be in maximum security protection which means ililipat sila sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa for all of their lifetime. Walang nakakatakas doon at strikto ang pamamalakad.

         
My heart is so at peace as of the moment. Yung happiness ng family ko is also my happiness.


Bitbit ko si Sunny habang masayang nag kwe kwentuhan ang lahat. It was like a celebration of freedom... a celebration of friendship... and a celebration of life.

  
Sa lahat ng pinagdaanan namin ni Jackie masasabi kong hindi namin malalampsan ang lahat ng to kung hindi kami nagtiwala sa isa't isa. We took the risk of choosing to be in love with each other regardless of every circumstance.

Sadyang may mga tao lang talaga na hindi naging masaya para sa amin ni Jackie at nakakalungkot na lumala at napa sama sila. It was quite the road. Pero kung ako ang papipiliin, it will be the same road that I will take all over again. Jackie will be the same person that I will choose to love all over again. Wala akong pinagsisihan sa mga desisyon ko sa buhay at lalong lalo na hindi ko pinagsisihan na mahalin si Jackie.

Just like what we always vow on every wedding day... til death do us part. She will always be the one I will hold on to and only death can separate us.

Natapos na ang unang plano. Salamat sa Diyos. May dalawang sorpresa pang naghihintay para kay Jackie. And I can't wait for us to start new and many things together again.

Jackie's POV

Kaya pala sobrang laki ng nirentahan ni Fred na bahay darating pala yung buong pamilya niya. After the conversations and get together, Miguel and their family went home with protection from the police of course. But my friends stayed here for the night. Ang saya saya ko! Pati si Sunny enjoy na enjoy sa mga bisita at na miss niyang mga lolo at lola, tito at tita at mga pinsan niya.

Hindi ko akalain na tutulungan nina Michael at Miguel si Fred at daddy. Malaki ang pasasalamat at utang na loob namin sa kanila. Lalo na kay Michael. Alam ko kasing nahulog na rin ito kay Sarah/Trixie kaso he has to know the truth. Noong unang sinabi ni Fred sa akin yung gut instict niya about Sarah is tumawa pa nga ako. Pero nung inimbistigahan  na talaga at may pruweba dahil umamin din yung surgeon na taga Thailand, doon na ako nabahala. Hindi sa safety ko kundi sa best friend ko. But I have known him ever since and deserve niya ang taong totoo at totoong magmamahal sa kanya. I know one day it will come. Also, to Miguel's parents. Hinding hindi magiging malaya si mommy Farah kundi sa kanilang plano at effort sa pag tulong. Kahit na may chance na magkagulo doon sa airport at kung anong gagawin sa kanila ng Arthur na yun, they still helped.

Under the Same Sky [Book#3: Under The Same Series]Where stories live. Discover now