016

248 49 26
                                    

Lana's POV

"Hindi ko naman gustong magmalaki pero tingin ko ay matatalo ka na namin sa pagkakataong ito. Corner ka na dude kasama ang babae mo." Chuckling, Banjo folded his arms over his chest while he looked back and forth between me and Triangle.

Inis ko namang sinunggaban ang mga ipinupukol na tingin niya. "Excuse me, I'm not his girl!" Pag-angal ko sa huling sinabi nito.

Sobrang ma-issue ang mga tingin niya. Gusto ko na ngang tusukin ang mga 'yon para magtigil na siya. Nakita lang niya na parang magkayakap kaming dalawa ng mokong na si Triangle tapos ang dami ng lumalabas na maduming salita tungkol sa aming dalawa.

I really want to beat him lalo na't pinagtangkaan niya ang buhay ko kanina. Akala ba niya nakakatuwa 'yon? I felt Triangle secretly nudged my elbow from behind. Napataas ako ng tingin sakanya ngunit hindi ako nito pinansin.

"Hindi niyo kami basta-bastang matatalo lang." Sambit niya kay Triangle na may halo pang pangungutya.

"Really? Ilang gulo na ba ang napasukan natin na tayo mismo ang magkaaway at kayo din mismo ang natatalo sa huli?" Hirit naman ng kasama kong si Tatsulok habang abot hanggang pride niya ang ngiti nito.

Mukha namang naging epekto 'yon dahil umaalab na sa apoy ang na-triggered na si Banjo mula sa sinabi ni Triangle sakanya. "Hindi ka parin talaga nagbabago. Kung hindi ka makuha sa santong dasalan, paano kung isali ko nalang dito ang pamilya mo? Ano ba talaga ang nangyari noong nakaraan? Napaka-misteryo---"

Hindi na nakapag-timpi ang kasama ko at bahagyang susugurin sana ang mga kalaban niya pero mabilis kong hinablot ang braso nito dahilan para mapatigil siya. Heck! Susugod siya ng wala pang mga kasama? Hindi pa kaya dumadating sina Trench! Baka mapaano pa siya kung agad na niya silang susugurin.

"Hindi mo na kailangang isali pa sila dito, sa tingin mo ba sinasali ko din ang pamilya mo sa tuwing may away tayo?" Anang niya at talagang may point naman siya do'n.

I wanna snapped my fingers to Banjo so he will enlightened up. Hindi nalang nila basta-bastang isali sa gulo ang kahit na sino sa pamilya nila lalo na kung nanggaling sila sa isang konserbatibong pamilya.

"Bakit, takot ka ba?" Mapang-asar na wika ni Banjo.

Napangiwi naman ako sa naging reaksyon niya. "Mukhang monkey...." mahinang bulong ko na sapat lamang upang ako lang mismo ang makakarinig.

"Why would I be afraid? Ang pamilya ko nalang ba ang magiging threat mo sa akin? Napapaisip na ako na baka hanggang dy'an mo nalang ako matatalo dahil sa mismong labanan ay laging talo 'yang grupo mo." Triangle prolly sensed something to Banjo.

"Nakakapanggigil! Sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo. Hindi naman lahat ng laban ay palagi kang panalo. Nanalo na din kami at hindi mo iyon maitatanggi." Ani Banjo na mukhang gigil na gigil na.

"We can assure to your team that we'll not be a bitter rivals of yours." Triangle said with an air of superiority. "Why? Because we're going to win this game and prove to anyone who cares that the Crazy Butchers is far superior than this Big butch-losers."

"It's Big Butchers. We're the Big Butchers." Sambit ng isa sa mga kasamahan ni Banjo.

Sasabihin ko din sana kay Tatsulok 'yon pero na-sense ko na sinadya niya talagang palitan at mukhang hindi alam ang pangalan ng grupo nila Banjo.

The Vengeance Of LanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon