06

227 84 22
                                    

Lana's POV

I won't lie.

This school has a lot of mean gangster students. Hindi nababagay sa ideal ng school ang mga ugali nila. Kung sakali mang nabubuhay pa si Marcos, sigurado ay todas na ang mga kagaya nilang mag-aaral.

With an amazing plot twist, I don’t think dad made a mistake to enroll me in a school that had many kinds of students like them. He wants to tolerate me in this kind of actions. Para saan? Para magaya ko sila na isang war freak? Or so I have taught to fight back with people? That's maybe one of his reasons why he decided to just enroll me in a real school.

"Lana, marunong ka bang mag-volley ball?" Tanong sa akin ni Math na nasa gilid ko lang.

"Ahm, not really." Mabilis namang sagot ko sakanya. Hindi ko siya malingon dahil hindi matanggal ang tingin ko sa mga estudyante na binu-bully ang isang estudyante mula sa kabilang building.

I have been in school for almost a month and I have witnessed a lot of bad works by other students. Ngayong araw ay nasa Ilocos Complex kami, mas kilala ito bilang stadium. Sobrang lawak ng espasyo nito at bagay na bagay ito sa mga sport activities.

Sa isang silid, baba ng mga benches, mayroong dalawang section na magtutunggali sa ibang mga sports at isa doon ang section namin. Some mean students from our section and in another section, keep on bullying the other student from the other building.

"They are so mean." Mahinang bulalas ko.

Ang nakakainis pa doon ay pinapanood lang sila ng mga ibang estudyante na nasa gilid at isa na din doon ang may malalakas na grupo katulad nila Triangle.

Naramdaman ko ang paghawak ni Math sa kamay ko kaya bahagya akong umiwas sakanya. "Hayaan mo na sila. Halika----" anang nito pero pinutol ko siya sa kung ano man ang sasabihin nito.

"Seriously? Hahayaan nalang ang mga ganyang gawain ng mga students? They will still be persistent in such activities!" I said in a gritted teeth because I was annoyed with what is happening around me.

Bakas sa mukha ni Math ang medyo pagka-gulat at takot sa akin pero ipinasa-walang bahala na lamang niya iyon. "Hindi mo sila mapapatino, Lana. Kahit pa siguro ang presidente ng North Korea ay hindi na sila mapapabago. They were already like that since we're still junior high." Sagot niya.

Napangiwi ako. "Siguradong hindi talaga sila mapapabago ng presidente ng North Korea dahil mas masahol pa sila sakanya. Baka pa nga niyan ay maging isa sila sa mga sundalo niya." Sarkastikang wika ko. And I think daddy will be their Kim Jong-un in some point.

Bahagya siyang napatigil at parang may natantunan. "Gonna agree with that." Pagsang-ayon niya. Hindi ko nalang siya pinansin at ibinaling muli ang tingin ko sa mga nangbu-bully at ang binu-bully nila. "Kung ako saiyo, hahayaan ko nalang sila. Baka kasi madamay ka pa dy'an." Dinig kong sambit ni Math.

Napabuntong hininga ako. I guess she's right, but there's really something bothering inside me. "Is it always like this in here?" Tanong ko kay Math.

"Like what?" She ask back.

"Yung ganyang pambu-bully sa ibang students...."

Nginuso ko ang direksyon nila. Bahagya akong nagulat ng makita kong nakatingin sa direksyon namin si Triangle. He suddenly arched a brow at me but I rolled my eyes towards him.

"Nako, noong mga junior high pa kami nang ganyan na talaga sila." Sagot niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nagiging bayolente ang mga ibang tao lalo na ang mga estudyante. I used to be like them but in a different way.

The Vengeance Of LanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon