012

191 70 21
                                    


"Gusto mo bang dagdagan ko pa 'yang pasa sa mukha mo?" Inis na sambit ko kay Triangle nang hindi pa rin nito tinatanggal ang kamay niya sa baywang ko.


He keep on swaying me to every place inside the hotel while giving me threats. Kanina pa ako naiilang sakanya at sa kung paano kami sumasayaw. Nakakahiya kaya! Hindi naman ako ang debutant at hindi din naman isang prom or aquiantance party ang pinunta ko dito. It was a good thing that we weren't the only ones dancing in the hall. May mga iba din namang mga guests ang sumasayaw kasama namin pero halos mga mas matatanda sa amin.


"Do you think I'll let you do that here?" He bragged and his lips rose up in dismissed.


Man, why is he so gorgeous? Though he is a devil and I hate him so much, I still can't deny that I am attracted---- not to him----but in his looks. I started to wonder. Noong nagpaulan kaya ang diyos ng kagwapuhan, nandoon siya sa labas at sinalo halos lahat ng mga 'yon?


Bahagya akong napailing. Kahit naman ganyan ang kagwapuhan niya kung walang-wala naman sa ugali niya 'yon? It's bad for him and to all the girls who is simp for this man.


"Who knows? As I said, I don't give a damn, idiot." I said in a gritted teeth and step his foot, much harder than the last time.


He secretly groaned in pain. Tinitigan niya ako ng masama, kasing sama ng ekspresyon ni Judas. Naramdaman ko ang pagluwag ng kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa akin. Kaagad ko namang kinuha ang tiyempo na 'yon para mapahiwalay sakanya. Hahabulin pa sana ako ng mokong ngunit sa kasamaang palad ay may biglang humila sakanya.


Buti nga!


I fastly go to Trench's side as I saw him. Wala naman akong masyadong kilalang tao na nandito bukod sakanya. Tori is still busy with her guests. Past seven na ng gabi at talagang nakakaramdam na ako ng gutom. I tilted my head to Trench who nudged me from behind.


"You should behave if you don't want to make a fuss here at the party. Hindi magkakaroon ng away kung pipigilan mo ang sarili mong patulan siya." Bulong niya sa akin.


Napairap naman ako ng wala sa oras. "It wasn't my fault after all, it was your idiot friend. At sorry huh, hindi naman kasi ako ang tipo ng babaeng may mahaba ang pasensya." Inis na sagot ko sakanya.


I saw how Triangle glared at me from behind. Pinaulanan ko naman siya ng pag-irap ko sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung lasing ba siya or may trip lang talaga ang mokong na 'yan. Kung saan-saan siya pumupunta at nagpapakitang gilas sa mga ibang babaeng bisita na tingin ko ay kasing-edad lang namin.


Shame on him. Triangle is the panty ripper and he is a womanizer!


"Hayaan mo na. Titino din 'yan kapag nandito na din ang mga magulang niya." Dinig kong sambit ni Trench mula sa tabi ko.


"Kailangan bang meron pa ang mga magulang niya para lang tumino ang mokong na 'yan? He is a childish." Bulalas ko. Bahagya pa akong napa-eme nang makita si Giselle na ayon kay Tori ay 'yun ang pangalan niya. She dragged Triangle with her but the childish keep on doing his own flows. "Tingin ko ay may tutuloy sa naudlot naming away. Tignan mo sila.... Nag-aaway ba silang mag-jowa?" Takang tanong ko kay Trench, referring to Triangle and Giselle.


Bahagya naman siyang natawa dahil sa sinabi ko. "May lugar ang dalawang 'yan sa kung saan sila mag-aaway. They know their place, Lana. At saka, hindi naman sila mag-jowa ni Giselle. Mag-pinsan silang dalawa." Sagot niya sa akin na natatawa pa rin.


The Vengeance Of LanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon