Chapter 3

325 129 56
                                    


Lumabas ako ng locker room after ko magpalit ng PE uniform. It's been two weeks since Leslie and I started our fake dating. At dahil dito ay unti-unting nawawala ang rumor na isa akong "Trap". Pero minsan, hindi pa rin maiwasan na may iilan pa din na naniniwala na isa akong lalaki.

"Hey,"

"AAAH!"

Malakas ko'ng sigaw matapos idikit ni Leslie sa right cheek ko ang isang malamig na drink. I looked at her and she smiled.

"Pfft hahaha! You're reactions is hilarious!"

"I hate you! Tss what are you doing here?? May napag-usapan ba tayo ngayon?"

Simula nung unang araw ng fake dating namin ni Leslie ay walang araw na hindi niya ako hinatid at sundo sa classroom. Palagi niya rin ako dinadalhan ng cake since favorite ko ito. She always sends me message din mula umaga hanggang sa matulog ako. She is so caring  and sweet kaya madali namin napaniwala ang lahat sa fake na palabas na 'to.

"Wait hindi kaya, she has a feelings for me?" sa isip ko.

"Hey? Why are you staring at me with that expression?" Leslie asked.

"Hmm naisip ko lang, palagi na tayo magkasama, hindi ka ba nagsasawa?"  tanong ko kay Leslie.

"What are you talking about? Hindi ba ganito ang dating? We need to see each other every minute?"

"Huh?" reaksyon ko sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mat-touch sa sinabi ni Leslie. Hindi kaya ito ang first time niya to date someone? Base sa looks at kung paano niya ako itrato, malabo na ito ang first niya. Sa unang tingin, siya yung tipo na chick girl. Isang klase na iba-ibang tao ang kasama lumabas.

"Leslie is this your first time to date someone?" direkta kong tanong na ikinabigla niya.

"O-of course not! W-what are you saying!? I'm just here to bring you an extra t-shirt and drink, masyado mainit sa field ngayon. Here, take it." iniabot niya sakin ang isang handbag.

"Eh? But may dala naman ako. "

"Tanggapin mo na. By the way,  wala bang weird guy na lumalapit sayo saying stupid things?"

"Huh? Hmm wala naman. Why? Don't tell me selos ka? Aaw don't be, you're my only babe." sabay kindat ko sa kanya.

"S-stupid. Well kung wala, that's great. I'll be going now, susunduin kita after class. See you later." paalam nito.

***

Lumipas pa ang ilang linggo , unti-unting nakalimutan ng lahat ang tungkol sakin ng isa ako'ng "trap" o lalaki dahil sa fake dating rumor namin ni Leslie. Ngayong napatunayan na hindi ako isang trap, lalo dumami ang suitors at haters ko. Katulad ngayon, one my classmates confessed his feelings for me.  His name is Mikko Villanueva, our class vice president.

"S-serenity I know that you and Leslie are dating but I can't hide it anymore. I really like you! Ang totoo , kahit na totoo pa ang rumor na isa kang trap! I don't really care! I still like you! please g-give me a chance," yumuko ito while holding a gift.

He Is She, She Is HeWhere stories live. Discover now