Leslie POV
Tahimik ako naghihintay sa isang sulok ng engineering department while waiting for Claire Savannah Cross ,the girl I like and my first love. She's a 4th year mechanical engineer and president of their department.
"She's so pretty." bulong ko habang tinititigan ang picture niya sa phone ko.
Nakilala ko Claire last year sa isang camping, she's kind , caring and very understanding person kaya mabilis nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi lang ito ang dahilan, what I really like about her is tanggap niya kung sino at ano ako.
Sinabi ko din sa kanya ang tungkol samin ni Serenity at naintindihan niya naman agad ito. The only thing that I can't tell her is, lalaki si Serenity. Serenity and I promised to each other that we will keep our secret to everyone kahit pa pinakamalapit na tao samin.
[Message sound]
Excited ako na kinuha ang phone ko sa bulsa. It must her. Ngunit agad na napawi ang excitement ko matapos makita ang message ni Claire. Ilang araw na kami hindi nagkikita dahil busy siya sa department activities nila and I have to understand her.
Naghintay muli ako ng mahigit 30 minuto sa message niya.
[Message sound]
After ko sumagot sa message ni Claire ay naisipan ko na bumalik sa dorm ko. I feel so sad dahil akala ko makikita ko siya ngayon. Mga ilang sandali lang ay narinig ko ang isang pamilyar na boses.
YOU ARE READING
He Is She, She Is He
Teen FictionSi Serenity ay isang Campus Queen na may tinatago na sikreto, at yun ay ang tunay na gender niya. He is a guy who loves to dress like a girl. Maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan at maraming babae naman ang naiinggit sa kanya dahil...