Chapter 10

254 125 39
                                    


Serenity POV

Nabigla ako matapos makita ang nakasulat sa board

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nabigla ako matapos makita ang nakasulat sa board. Sino naman kaya poncio ang may pakana nito?Actually, I really don't care about me dahil purga na ako sa rumors , what I worried about is Leslie. Naaalala ko saglit ang sinabi niya tungkol sa pangako nila sa isa't isa ni Claire na itatago muna nila ang about sa relationship nila until they graduated.

"I hope she's fine. Should I call her?" bulong ko.

"Hoy Senenita, ano binubulong mo dyan? Lets go, mahuhuli na tayo sa klase huh!? Ano na naman ba ang issue ngayon!? Sobra na yata ang photography club! Saan ba ang club room nila at susunugin ko na." galit na reaksyon ni Mikaella matapos makita ang nakasulat sa board.

"Should I call him?"

"Hey wag mo sabihin nakalimutan mo na agad pinag-usapan natin last night? Papaalala ko sayo, iwasan mo na si Leslie bago ka pa mabaliw sa kanya." bulong sakin ni Mikaella.

"I know. Pero ang hirap pigilan eh."

"Tigilan mo ako sa reason mo na yan," masungit na sabi ni Mikaella. She's just worried about me kaya hinahayaan ko lang siya na kontrolin ako.

Hindi ko akalain na ganito kahirap mainlove, hindi ko din akalain na sa babae mahuhulog ang loob ko. Buong akala ko noon ay isa ako'ng solid gay , hindi kaya isa ako'ng bisexual? No, sa totoo lang ay bago sakin lahat ng nararamdaman ko. Never ko ito naramdaman sa kapwa ko lalaki.

"Let's go na,"

"Kay.."

Pagpasok palang namin ay agad ako sinalubong ng ilan sa mga classmate ko na babae.

"Serenity okay ka lang?"

"We're sorry, we judge you agad. Si Leslie pala talaga ang reason kung bakit kayo naghiwalay."

"Oo nga. Sorry ha. Ang totoo, idol talaga kiya. Naka-follow nga ako sa lahat ng social media mo."

"A-ah s-salamat pero nagkakamali--"

"Magdamag umiyak si Serenity kaya please, excuse us."

He Is She, She Is HeWhere stories live. Discover now