Chapter 5

297 126 20
                                    

Leslie POV

[Mantic Aquarium]

"Kyaaah doon tayo! Bilisan mo naman maglakad babe!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Kyaaah doon tayo! Bilisan mo naman maglakad babe!"

Nagtinginan samin ang ilang tao sa lakas at tinis ng boses ni Serenity. May ilang lalaki pa na tila namumula ang mukha dahil sa taglay na cuteness ni Serenity. Kung alam lang nila , natawa tuloy ako sa iniisip ko.

"Sabi ko sayo wag mo ako tawagin na babe,"

"Awtsu bakit ba? We're dating eh.. Kyaah! Wow! shark ba yon? Anu'ng klase ng fish yon? Woow ang liit!cute!"

Hindi ko mapigilan ngumiti sa mga reaksyon ni Serenity habang pinapanood ang iba't ibang klase ng isda sa aquarium. Tila ito ang unang beses na nakarating siya sa ganito'ng klase ng lugar.

"Hindi ko akalain na may ganito pala kalaki na isda?"

"Pfft..you mean never ka pa nakakita ng whale? Mas malaki kasi sila than shark. Next time, I'll make sure na makakakita ka ng whale. They're cute." without looking ko na sabi hanggang sa mapansin ko na tumahimik siya. Nabigla ako sa nakita ko na reaksyon mula sa kanya na agad din naman nagbago.

"Haha talaga? Na-curious tuloy ako. Tara don," naglakad ito palayo.

"Ako lang ba? O may kakaiba talaga kay Serenity ngayo'ng araw? May problema ba siya?" tanong ko sa sarili.

Saglit ko muna na sinilip ang phone ko para tingnan kung sumagot na sa message ko si Claire. Sinabi ko kasi sa kanya na lalabas kami ngayon ni Serenity. I also ask her kung may gusto siya na pasalubong ngunit wala ito sagot, ni hindi niya ito sini-seen.

"Hindi pa siguro sila tapos sa school project nila." bulong ko.

"Leslie let's go!" pagtawg sakin ni Serenity.

"Okay. Palapit na--" agad ako natigilan matapos mamukhaan ang isang pamilyar na babae, hindi pwede magkamali sa nakikita ko. Its Claire.

"Uy I'm here, masyado ba ako maliit para hindi mo makita? Uy I'm here! Saan ka ba nakatingin!?" naririnig ko na sabi ni Serenity.

"Claire.." bulong ko.

"Claire?" pagsigaw ni Serenity dahilan para marinig ni Claire at ng kasama niya na lalaki.

"L-Leslie?" nabibigla na pagtawag sakin ni Claire.

Tahimik ako'ng nakatitig sa kamay ng lalaki na naka-akbay ngayon kay Claire habang naglalakad palapit samin ni Serenity. I clenched my fist.

He Is She, She Is HeWhere stories live. Discover now