4

182 4 0
                                    

Prince's POV

"Yow Prince...aga mo ah. That's a first.Hehehe!" sabi ni Dylan sa akin

"Manahimik ka Dy kung ayaw mong masagasaan." seryoso kong sagot sa kanya

"Ikaw naman hindi mabiro. Nasaan na princess mo? Hindi ka sinipot noh? Hahaha! Bilib na talaga ako sa kanya."

"T*ena mo! Nahihirapan sigurong maglakad. Halata namang hindi sya sanay sa ganung damit eh." at natawa nalang ako habang naiisip na suot nya ang damit na binigay ko

"Wow! Si Prince tumatawa! Tumawag na tayo sa mental nababaliw na sya mga kaibigan!" itinapat pa nya ang dalawang kamay sa bibig nya na parang pinagsisigawan pa talaga. Loko loko talaga!

"F*ck you! Manahimik ka nalang!" hindi ko ba alam kung bakit naging tropa ko to eh.

"Hahaha! So magkano ngayon?"

"2 million. Tinataasan ko nga kaso mahihirap talaga tong mga kalaban ko hanggang dun lang daw kaya."

" Gusto ko ngang sumali para masupalpal ka pero dahil masakit paa ko...hindi ko na tinuloy. Hahaha!"

"Puro ka salita Dy!"

" And here comes your Princess...! Hahaha!"

Paglingon ko sa tinitingnan nya...Anak ng! Kahit kailan talaga hindi sya marunong sumunod sa akin. Kung anong kinaikli ng damit na binigay ko sa kanya, ngayon naman balot na balot ang suot nya.

Alex's POV

Ano ba naman tong lugar na to? Car show lang pala pinapunta punta pa ako ng yosi boy na yun. Speaking of yosi boy, gusto ko ng tumawa dahil sa sobrang kunot ng noo nya ngayon. Akala naman nya mapapasunod nya ako sa lahat ng gusto nya. Belat lang sa kanya! (yung suot ni Alex ay yung pic sa right)

"Ang cute mo naman Scar. Yan ba yung binigay ni Prince sayo? Hahaha!" tanong agad sa akin ni Dylan

"Salamat. Hindi eh. Bakit ko naman susuotin yun?" pagpaparinig ko talaga kay Yosi boy

"Ayyy... sayang nemen. First time pa namang bumili ng damit ni..." at hindi na natapos ni Dylan ang sasabihin dahil tiningnan sya ng masama ni Yosi boy

"Bakit matigas ang ulo mong babae ka!?" yan nanaman sya sinisigawan na ako

"Kasi me bungo ang ulo kaya matigas talaga, parang ulo mo lang. Buti nga andito ako eh. Tsaka hindi ko susuotin ang ganung kaikling damit noh, never ever!"

"Your really pissing me off!"

"Buti naman.. eh di uuwi na ako kung ganon." at aalis na sana ako pero hinila nya ako paharap sa kanya

"Hindi ka aalis dahil ngayon mararamdaman mo ang feeling na parang malapit ng mamatay."

"Anong ibig mong sabihin?!"

Mayroon syang sinenyasan na lalaki at bigla nalang nagpasukan yung ibang mga lalaki sa mga astiging kotse nila. Akala ko naman car show lang talaga.

"Prince, ready kana ba talaga? Sisiguraduhin kong matatalo kita ngayon!" sabi sa kanya ng isang lalaki na puro tattoo ang braso

"Puro salita ka nanaman Henry! Magsimula na tayo."

"Ayos yang dala mo ah. Unang beses kang nagdala ng babae dito. Mukhang mamalasin ka ngayon. Hahahaha!"

"Pwede bang tumahimik ka na!" tapos inakbayan nya ako ng sobrang higpit at nagpatuloy..." Ikaw ang mamalasin ngayon. This girl is my good luck charm." at ngumisi sya ng nakakaloko

Pinapasok nya ako sa kotse nyang astigin din. Never in my dreams na nakita ko ang sarili ko na sasama sa karera ng kotse. Gusto na talaga akong patayin ng lalaking to.

Anong pangalan mo?Where stories live. Discover now