26

139 6 1
                                    

Matapos ng 'Operation ruin the Date' namin nina Eunice ay nakikita ko na si yosi boy sa campus. Ang nakakalungkot lang ay hindi siya pumapasok sa tanging subject na classmate ko siya. Natatanaw ko lang siya sa pwesto ko na laging nasa open field at humihithit ng isang dosenang yosi. Mukhang iniiwasan na niya ako.


Madalas ko narin nakikita si Scarlett dito sa campus na laging may dalang pagkain sa kanya. Baka naman maimpatso na si Jairone sa ginagawa niya. Tssss!


"Huy Scar! Tuwing nakikita kita lagi ka nalang may malalim na iniisip. Is it about Prince?" tanong ni Dylan sa akin

"Hindi na ako magsisinungaling dahil obvious naman. Oo siya nga. Bakit bigla nalang siyang naging cold sa akin? I mean I understand na sila ni Scarlett pero bakit bigla nalang niya akong isinantabi? Reserba lang ba ako?"

"Wag kang mag-isip ng ganyan Scar. Kung alam mo lang ang nangyayari. Gustong-gusto kita kay Prince kasi you can make him smile like no one can, kahit si Scarlett hindi siya ganun mapangiti. Ibang-iba siya kapag kasama ka." seryosong sabi sa akin ni Dylan

"Kung ganon bakit hindi niya masagot ang mga tanong ko ngayon? Bakit iniiwasan niya ako?"

"Si Prince mukha siyang matapang pero may kahinaan din siya. Yun ay ang kahinaan ng iba. Mas pipiliin niyang magsakripisyo siya kaysa makita ang taong mahal niya na nasasaktan o masasaktan."

"Anong ibig mong sabihin Dylan?"

"Haaay nako! Ang hirap naman nito oh! Hahaha! Ganito nalang Scar. I'll text you later para magkita tayo at may sasabihin ako sayo. OK?"

"Hmmmm...O sige pero bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?"

"Kasi hindi ko rin alam ang isasagot sa mga tanong mo. Mamaya nalang para may sagot talaga ako.Haha!"

"Sige na sige na, pupuntahan kita."

"Umuwi kana nga! Lagi ka nalang nakatambay dito sa room nyo after class. Ginagabi ka tuloy ng uwi."

"Hindi naman problema yun eh...wait! Bakit mo alam na lagi lang ako dito after class?"

"Hahaha! Wild guess?! Mamaya nalang ulit ah. Una na ako. Bye!" tapos tumakbo na siya palabas ng classroom



Ibang klase talaga ang lalaki na yun, baliw na talaga! Umuwi narin agad ako para kapag nagtext siya ay nakapagayos na ako. Eksaktong 8:00 pm naman ng tinext ako ni Dylan at sinabihang magkita kami sa isang French restaurant.









Dylan Calling...

"Nasaan kana Scar?"

"Andito na kaya ako. Nasan kana ba? Wala akong pambayad sa pagkain dito. Hahaha!"

"Hahaha! Andito ako sa VIP room. Sabihin mo sa receptionist dun ka sa nireserve ni Dylan pogi."

"Yun talaga sasabihin ko? Maniniwala ba yun?"

"Oo Scar. Dali na. I'm waiting. Hahaha!"

End of Call

 

Anong pangalan mo?Where stories live. Discover now