42

96 3 1
                                    

Parang tumigil ang paghinga ko ng marinig ang sinabi ng Doctor sa akin. Gusto kong matuwa dahil isang biyaya ang binigay sa akin pero naalala ko nanaman siya. Hindi ko man lang ba masasabi sa kanya lahat ito.



"Again, congratulations Misis. Wag mong kakalimutang inumin itong mga vitamins na nireseta ko sa iyo. Wag ka rin masyadong magpapagod at magpaka-stress."

"Ah opo Doc. Maraming salamat po." umalis narin agad ako ng maiabot niya sa akin ang reseta ng gamot.

Nang makarating ako sa chapel ng hospital ay hindi ko na napigilang umiyak. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya,lungkot, takot, excitement...hindi ko...hindi ko na alam. Hindi ko rin naman inaasahan na may nabuo pala sa nangyari sa amin nung nasa Norway kami.




Umuwi agad ako para sabihin kay papa at kuya pero wala akong naabutan sa bahay. Naghahanda na ako ng hapunan ng may nag-door bell. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at ang utak ko naman ay umasa na marahil siya ang taong nasa labas.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko napigilan na yakapin ang taong nasa harap ko. Namiss ko talaga siya dahil ilang bwan din siyang nawala.




"Why are you crying serendipity?" pagtataka niya. Mukhang nagiging emosyonal na ako dahil sa pagbubuntis.

"Ah.Eh. Namiss lang kita Chef. Hehe! Kailan ka bumalik?"

"Kahapon lang. Mayroon lang pinapagawa si Mom sa akin. How are you? You look pale?" hinawakan niya ang pisngi ko na para bang inoobserbahan.

"Nako gutom na kasi ako. Tara na sa loob at sabayan mo na akong kumain."

Habang kinukuha ko ang mga pagkain sa kusina ay naalala ko bigla na nasa dining table nga pala ang mga binigay sa akin ni Doc. Nang makalabas ako ay nakita ko si Chef na hawak ang mga iyon.

"You're pregnant." sambit niya.

"I'am. Sorry Chef. It seems na hindi talaga ako ang serendipity mo." biniro ko nalang siya.

"Alam niya ba ang kalagayan mo ngayon?" Chef's question made me emotional again. Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"I haven't seen him for 3 months now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I haven't seen him for 3 months now. Kahit sina Dy, Eunice at Darren hindi alam kung nasan siya." at patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Hush now. Stop crying. The baby don't want you crying." sabi niya habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Let's not talk about it. Maupo kana dito at ako nalang maghahanda ng mga niluto mo, okey? Wag ka ng tumanggi maupo ka nalang dyan." he smiled at me. A very genuine smile.

Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon