16

165 8 0
                                    

Prince's POV

"What was that Eunice?! Why act that way?" medyo nakakainis na kasi ang ginagawa nya

"Wow! Now I know it's serious. Hindi lang sya basta simpleng past time kasi nagagalit kana ng ganyan."

"Eunice napagusapan na natin to diba?"

"No Prince! Simula elementary hanggang ngayon never nagbago ang nararamdaman ko sayo. Nagstay man ako sa America pero hindi nawala ang nararamdaman ko sayo."

"Napagusapan na natin to last time sa parking lot, right? Bakit kailangan ko pang ulitin?"

"Oo kinomfort mo nga ako after mong sabihin na wala na talaga akong magagawa para mabago ang nararamdaman mo sa akin, pero hindi naman ako makakapayag na isa nanamang Scarlett ang makakatalo sa akin! Magpabago na kaya ako ng pangalan sa NSO para naman mapansin mo na ako."

"That's not the reason."

"Sa tingin ko your just thinking that it was her. Nakikita mo lang sya sa pagkatao ng babae na yun but it would never be her!"

"Hindi ko kailangan ng komento mo sa kung ano man ang gusto kong gawin! Maging yun man ang pangalan nya o hindi, hindi magbabago kung ano man ang tingin ko sa kanya. Dont hurt yourself Eunice. Nahihirapan din ako para sayo since magbebestfriend tayo nina Dylan."

"F*ck the bestfriend thing! I can never treat you as a bestfriend alam mo yan." tapos nagpatuloy pa siya

"Not her Prince. Hindi ko kayang makita kang may kasamang iba."

"Same answer Eunice. Sorry."

"F*ck talaga! Bakit ganto ka katigas Prince?! Hindi ako makapaniwala na ako...na sikat na model ay maghahabol sayo pero tinataboy mo naman."

"I'm still not the right one Eunice. You'll find him. Start with the losers."

"F*ck you Prince!"

Tapos nagwalk out na sya.

Hindi ko na siya macocomfort ngayon kasi alam kong galit na galit na sya. Sa tingin ko the more i comfort her the more she falls for me at yun ang iniiwasan ko since hindi ko talaga kayang ma-inlove sa kanya. Hindi ko alam ang rason kung bakit hindi ko siya kayang mahalin pero ayaw talaga eh. Hindi nalang kasi yung loser ang matutunan nyang mahalin para wala na akong problema sa mga umaaligid kay Scarlett. Tssss.

Naalala ko bigla si Scarlett na naiwan ko nga pala sa open field.


15 attempts

Ganyan kadami kong beses triny siyang tawagan pero walang sumagot. Pagtawag ko sa bahay nila wala parin daw siya doon. Nasaan na kaya ang babaeng yun? Shit! Im going insane again.

Alex's POV

"Alex, pagabi na ah. Bakit nandito ka pa sa campus?" tanong sa akin ni manong guard pagkaupo ko sa trono niya

"Kasi po pagumuwi ako sa bahay kung anu-ano nanaman ang maiisip ko. Kahit minsan nagpapakatanga ako para hindi magets ang mga nangyayari nagaassume parin ako kahit papaano."

"Huh? Medyo magulo ata yun Hija.Hehe! May problema ba?"

"Masasabi ko kayang problema to? Hindi ko po kasi alam kung may solusyon pa eh. Baka may solusyon nga kaso hindi naman ako ang magbebenefit."

"Hahaha! I know now. Problema ba sa..." sabay turo niya sa puso nya

"Hindi manong noh. Bakit naman ako magkakaproblema sa puso eh wala pa naman tinitibok to."

"Ito nalang ang tanong ko sayo."

"Ano po yun?"

"Kapag lumalapit ba sya sayo may nararamdaman kang kakaiba? Kapag may sinasabi siyang sweet pero feeling mo joke napapangiti ka parin? Kapag sinabi niyang ikaw lang, para bang sumasabog ang puso mo? At kapag may kasama siyang iba para bang gusto mo ng pumatay ng tao?"

Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon