104. FLOWER BOYS HOST CLUB: TANNER, My Gorgeous Ogre (Series Book 6) by Zai Red

1.4K 5 0
                                    

TEASER:

Job and fiance – two important things in Anniza’s life, wala na siyang maihihiling pa, she was blessed to had those two.

Pero isang araw ay nawala na lang ang mga iyon sa kanya.

Iisang tao lang ang gumawa niyon, si Steph.

Hindi naman niya akalain na anak ito ng may ari na pinagtatrabahuhan niya. Awtomatikong tinanggal siya sa trabaho ng awayin at lampasuhin niya ito dahil sa pang aagaw nito sa kanyang kasintahan at ang masakit pa ay mas kinampihan ito ng lahat lalo na ng pinakamamahal niyang kasintahan, iniwanan siya nito. 

Mas nagmukha siyang kontrabida sa harap ng marami, that’s why she hated Steph so much. 

Lalo niya itong kinamuhian ng malaman niyang may totoo pala itong kasintahan, a tall and handsome boyfriend. Nakita niya kung gaano ito kamahal ng boyfriend nito, nasaksihan pa nga niya ang pagpopropose nito.

Pero hindi siya makapapayag na maging masaya si Steph.

Sinira niya ang magandang sandaling iyon sa buhay ng mga ito. She ruined the man’s proposal. Nagtagumpay siya ng makita niya kung gaano nasaktan si Steph, nagbunyi siya dahil alam niyang nararamdaman na nito kung paano ang masaktan.

Galit at pagkamuhi naman ang pinaramdam sa kanya ng lalaki dahil sa ginawa niya pero wala siyang pakealam, ang mahalaga sa kanya ng gabing iyon ay ang makaganti sa haliparot na babaeng iyon. 

Pero hindi niya akalain na pagbabayaran pala niya ang lahat ng ginawa niya dahil nagkrus muli ang landas nila ng gwapong lalaki at isang malaking rebelasyon pa ang nalaman niya tungkoL dito.

Pinagsisisihan tuloy niya sa huli ang mga nagawa niya noon dito.

----------------------------------------------------------------------------

Click the EXTERNAL LINK to READ the STORY. ->

E N J O Y  R E A D I N G ! ! ! ~^_^~

★ Stories Worth Reading ♥ Completed ♥ My Favorites ★Where stories live. Discover now