Chapter 6 : Stare behind me

96 3 0
                                    

SELENE'S P.O.V.




Nagising ako sa aking pagtutulog dahil sa ginaw na aking nararamdaman. Pagdilat ko sa aking mga mata ay nakita kong nasa sahig pala ako nakatulog. Umupo ako sa sahig sabay hilot ng aking sintido dahil kumikirot ito, para akong tinatamaan ng baseball bat. Nalaman ko ring umaga na pala dahil sa sinag ng araw.






Anong oras naba? Tanong ko sa aking sarili sabay hikab. Nang makita kong alas onse na pala ng tanghali ay dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo upang maligo, natataranta ako. Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasang ma late sa klase.





Malalagot ako ni Mama pag malaman niyang nagskip ako ng klase. Nagmamadali akong nagbihis pagkatapos kong maligo at nagsipilyo. Wala na akong oras kumain, kailangan ko pang humabol sa klase ko ngayon. Bumaba na ako at nagsimulang tumakbo patungo sa Universidad.





Parang may nakalimutan ako, napahinto ako sa tapat ng gate upang ipakita yung I.D. nang malaman kong dahil sa pagmamadali ay nakalimutan kong suotin yung jacket ko. Patay, yung mga sugat ko sa kamay. Dali-dali ko itong tinakpan gamit ng bag ko at tumakbo papasok sa loob ng campus.






Kinakabahan ako habang naglalakad patungong department. Probably P.E. pa namin ngayong oras, nasa gym kaya sila? Habang umaakyat sa hagdan ay panay ako sa paghihilot ng aking ulo, nakaramdam din ako ng ginaw. Bakit ba kasi ako nagkakasakit? Hindi ko gustong magkasakit dahil nakakababa ito ng grado ko, ikakabaliw ng utak ko kapag mangyayari iyon.





Dinahan-dahan kong binuksan yung pinto at napahinga naman ako ng maluwag nang dahil ni isang classmate ko ay wala sa loob. Papaupo na sana ako nang biglaan nalang akong nahihilo. Mabuti naman at nahawakan ko yung table ko upang hindi matumba.





"Are you okay?" Nagulat ako sa nagsasalita sa aking likuran. Napatingin ako sa direksyon kung saan galing yung boses at nakitang kaklase ko lang pala.





"Namumutla ka ata, Selene." Sabi niya sabay dampi ng kaniyang kamay sa aking ulo.





"Nilalagnat ka! Bakit ka pa pumasok? Tara samahan kita patungong infirmary." Sabi niya at dali-dali akong napailing.

I found a home in your arms (Taglish)Where stories live. Discover now