Chapter 7 : Confused heart

87 3 0
                                    

SELENE'S P.O.V.



Tinitingnan ko ang mga bawat kilos niya. Kinuha niya yung alak na nasa lamesa at nilagpasan ako. Tahimik lang siyang naglalakad patungong hagdanan. Nang makita kong umakyat na siya patungong silid ay napakagat labi ako, nakakahiya naman, nakita niya yung parte ng katawan ko kung saan ay ako lang dapat makakita.


Napaupo ako sa sofa sabay haplos sa aking tyan dahil nakaramdam ako ng gutom. Sumilip ako sa lamesa kung meron bang pagkain ngunit kahit isang klaseng pagkain ay hindi ko nakikita. Bumuntong hinga ako at humiga sa sofa, gusto ko ng pagkain. Umupo muli ako at tumingin sa silid kung saan pumasok si Kurt, natutulog na kaya siya? Tumayo ako at pumasok sa kusina upang humanap ng makakain.


Dahan-dahan kong binuksan yung ref at may nakita akong mga prutas sa loob. Kumuha ako ng isang pirasong saging at pagharap ko ay nakita kong nakatayo si Kurt sa hagdanan habang namumulsa. Muntik ko ng mabitawan yung saging na dinadala ko dahil sa gulat. Tumayo ako ng maayos at sinirado yung refrigerator. Bumaba si Kurt sa hagdanan at lumapit sa akin, hindi ako makahinga ng mahusay dahil lumalakas yung pintig ng puso ko.


"Nakalimutan kong hindi ka pa pala kumain." Sabi niya at napalunok ako dahil sa kaniyang matigas na boses.


His voice is so husky tonight, maybe he's sleepy now. Pinaupo niya ako at pinaghandaan ng makakain. Meron siyang iniinit at pagkatapos ay nilagay sa isang pinggan. Napapikit ako dahil sa amoy, it smells so good. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Kurt na nakatitig sa akin. Binigay niya sa akin yung platong hawak niya na may laman na pagkain, binigyan niya rin ako ng tinidor.


Napatingin ako sa pagkain na hindi pamilyar sa aking nilamunan, the pasta smells so good, nakalimutan ko kung anong tawag nito. Umupo si Kurt sa aking harapan at tinitigan na naman ako ng malalim. Naiilang talaga ako kapag may tumitingin sa akin na kumakain. Teka, what a deja vu.


Dahil sa gutom ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pang sumubo sa pasta. Dahil sa sarap ng pagkain ay sumobo ako ng sumubo, nakalimutan kong meron palang nakatingin sa akin kaya huminto ako sa pagsusubo. Kurt was grinning, of course because I look so stupid.


"Why are you stopping? You don't like the food anymore?" Takang tanong niya.


"Gusto mo ba? Kanina ka pa kasing tumitingin sa akin habang kumakain." Tanong ko sa kaniya na ikinanuot ng kaniyang nuo.


Is he mad at me again? Umiwas nalang ako ng tingin dahil natatakot ako sa kaniyang mga titig. Kakain na sana ako uli nang bigla siyang magsalita.


"Susubuan mo ba ako?" Tanong niya sa akin.


Akala kong nagbibiro lang siya pero napakaseryoso ng mukha niya. Kaya ang ginawa ko ay kumuha ng pasta at isinubo sa kaniya. Halatang nagulat ito sa aking ginawa, na para bang hindi niya inaasahang gagawin ko iyon. Ako rin, gulat din ako sa aking ginagawa, nababaliw na ata ako. Ang uto-uto ko kasi. Ibaba ko na sana ang kamay kong hawak yung tinidor ngunit hinila niya ito at kinain ang pasta.


"Hmm, it tastes good." Sabi niya with a smirk on his face.


I felt my cheek burned, what is this kind of feeling elevating in my entire body? Naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko ngayon. Dahan-dahan akong nagpatuloy sa pagkakain ng pasta. Nang matapos na akong kumain ay hinugasan ko yung pinggan na aking ginamit.


Pagkatapos kong maghugas ay binigyan ako ni Kurt ng isang basong may laman na tubig. Nahihiyang tinanggap ko ito at napatingin sa kaniya.


"Salamat." Maliit kong sabi at ininom yung tubig na bigay niya.


"Doon ka na sa kwarto ko matulog." Suggest niya sa akin.


I found a home in your arms (Taglish)Where stories live. Discover now