Chapter 8

1 0 0
                                    

Hey warriors! I'm back HAHAHAHA. Sorry for the long wait. I hope you guys are doing well. Hindi ako nakapag-update kase I'm kinda distracted by social media and etc pfft. Thank you so much for those who patiently waited for the next update. Again, sorry talaga dahil napatagal ang update. Bawi ako ng three chapters today, okay? Good HAHAHAHA.


Please continue reading and have fun! Tnx.


Adios.

----------

His Story


Red's POV


Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko ngayon. Parang ang hirap i-absorb lahat ng sinabi nila. They said that I'm not dead but why do I feel that I am? In fact, kaluluwa na nga ako diba?


I still can't believe that I am here. Tama nga si Mang Kulas. This place looks the same as the world of the living except that it looks quite empty. Parang props lang sa isang movie ang mga bagay na nakikita ko dito ngayon at isa ako sa mga tauhan nito.


Akala ko sa mga movies lang nage-exist ang ganitong klaseng lugar but here I am, naglalakad kasama ang nakakairitang lalake na nagngangalang, Casper.


"Will you stop whistling? Nakakairita." Suway ko dito at napairap.


"Sorry boss." Natatawang sagot nito at tinigil na ang pagpito gamit ang bibig.


"Ba't kase ikaw pa ang naging kasama ko? Ba't di nalang si Mang Kulas? Hayys."


Napabuntong hininga ito sa sinabi ko at tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. "Every soul has its own guide. Dahil ako ang nakahanap sa'yo, it's my responsibility to take care of you and guide you." Sabi nito at nagsimula na ulit na maglakad. "Atsaka, busy si Mang Kulas. Hindi lang ikaw ang kaluluwa dito. Wag kang pa-special."


Minsan talaga, ansarap manapak ng tao no? Ayy wait, tao ba 'to?


"As if you're going to take care of me." Nakabusangot kong sabi. "Sakit lang ng ulo ang kaya mong ibigay sa akin, Casper."


Natawa ito sa sinabi ko at tumigil ulit sa paglalakad para harapin ako.


"Why are you looking at me like that?" May amats ata 'tong lalakeng 'to?


"Let's start over."


"H-Huh?"


Napabuntong hininga ito at umayos ng tayo. "Ang sabi, magsimula ulit tayo." Pag-uulit niya. "Alam kong hindi komportable ang unang pagkikita natin and I wish to change that by starting again."


"O-Okay?"


Pinagpagan nito ang suot nitong damit at sineryoso ang mukha. "Hello, I'm Casper and I will be your soul guide hanggang sa makabalik ka na sa katawan mo. I hope na magabayan kita nang mabuti and bring you back to your world, peacefully." Nakangiting sabi nito. "Nice to meet you."

Never Knew Fantasy Was RealWhere stories live. Discover now