Chapter 2

1 0 0
                                    

Is this a sign?


Red's POV


Hindi nagtagal at dumating na rin ang araw ng exam. Lahat kami ay pressured ngayong semester and we all hope to achieve good results. Hindi great, but good.


"Okay, time's up!" sabi ng proctor kasabay ang pag-ring ng bell sa gilid niya. "Pass all your papers in 10...9...8..."


Mabilis kong kinuha sa examination cover ko ang exam ko at naglakad na papunta kay Maam.


"Please Lord, wag naman sana maging bagsak ang resulta." I prayed in my mind.


Matapos kong mapasa ang exam ko ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Nang makalabas, sinalubong agad ako ni Skyler ng yakap at bulaklak. "For you."


"Thanks, babe. Pero para saan to?"


"Wala lang. Pampawala ng stress at pagod pfft." I chuckled. Kinuha ni Skyler ang bag ko mula sa hawak ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng building. "So how's youe exam? Mahirap ba?"


"Hindi naman masyado. Napag-aralan ko lahat ng subjects eh. Pero may ibang items na hindi ako sigurado kung tama ba yung sagot ko. Bahala na si Batman." Napatawa siya kaya umirap ako. "Ba't ka ba natatawa? Atsaka, akin na nga yang bag ko. Di mo naman kailangang dalhin yan. I can carry it." Sabi ko sa kanya. Ang weird kaya tingnan sa kanya yung bag ko. Kulay purple with matching flowers pfft. Mukha siyang bading HAHAHAHAHA.


"Aysus. Tinotoyo ka na naman." Hinigit niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ang noo ko. "To be honest, ayokong magbuhat ka ng ganito ka bigat na bag sa likod mo. Ano bang laman nito? Semento?"


Kinurot ko ang pisngit niya. Ang sweet yieee. "Books ko lang naman po, master." Napatawa siya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.


Sabay kaming naglakad papuntang parking lot kung saan nakapark ang kotse nya. Nang makarating, nilagay niya ang bag ko sa backseat bago ako pinagbuksan ng pinto. "Thank you." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya. 


Nakangiti niyang sinarado ang pinto at naglakad papunta sa driver's seat. Pinaandar niya muna ang radyo para magkaroon kami ng konting ingay bago lumarga paalis ng school.


"Babe..."


"Yes?" sabi ko habang nakatingin pa rin sa phone ko.


"Busy ka ba bukas?" tanong niya.


"Nope. Why?"


"Birthday ng kapatid ko bukas and she wanted you to come. Is that okay?" Hala. Now I remember. Kaya pala kanina pa ako kating-kati na pumunta ng mall.


"Sure! I'll come. No problem." Shemay. Wala pa akong gift huhu. "Babe, can we go to the mall first bago mo ako ihatid sa bahay? Gusto ko kaseng bumili ng gift para sa kapatid mo eh. I remembered that she always visits this book sa National Book Store. I wanted to give it to her."

Never Knew Fantasy Was RealWhere stories live. Discover now