Chapter 5

1 0 0
                                    

Here's Destiny


Red's POV


Aray! What the hell?! Ang sakit ng likod ko huhu. Ano ba'ng nangyari?


"S-Skyler?" Nasaan si Sky? "Skyler, where are you?" paghahanap ko dito. Nilibot ko ang tingin sa loob ng kotse at napagtantong ako nalang mag-isa ang nasa loob nito.


Agad na gumapang ang takot sa sistema ko at lumabas ng kotse upang hanapin si Skyler. "Sky! You're freaking me out! Nasaan ka ba?" Tiningnan ko ang kotse. "The car is good. Hindi ba kami natamaan? But it felt like we were hit by that truck."


Nasaan na ba ang lalakeng yun?


"Skyler!" tawag ko ulit dito. I walked and walked para lang mahanap siya pero hindi ko pa rin siya makita. "Wait. Relax Red. Sky is alright. You have to think." Bigla kong naalala na may nadaanan pala kaming presinto ni Sky kanina. Maybe they can help.


Agad akong napatakbo papunta sa pinakamalapit sa presinto. I ran as fast as I could. Nang makarating, agad akong pumasok sa loob. "Sir!" Hinihingal na tawag ko sa unang taong nakita kong nakasuot ng police uniform. Nang marinig ako, agad ako nitong nilapitan. "Sir, I need your help."


"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, miss?" tanong nito habang may dala na notepad.


"My boyfriend and I encountered an accident. Our car just got hit by a reckless truck driver but fortunately, nailiko ito ng boyfriend ko." Tumango lang ito sa akin sabay sulat ng mga detalye. "Bumangga po ang sasakyan namin sa concrete barrier at yung side ko po ang napuruhan. Doon po ako nawalan ng malay." Paliwanag ko.


"Miss, pansin kong hinihingal ka. Umupo ka muna." Sabi niya bago ako binigyan ng tubig. Dahil sa pagkauhaw, agad ko itong ininom.

"Salamat po."


Tumango ito. "Sige, magpatuloy ka."


Tumango ako dito at nagsimula ulit na magsalita. "As I was saying, nawalan ako ng malay dahil sa impact. When I woke up, I found out that my boyfriend is missing. I tried finding him pero hindi ko siya mahanap. All I can say is a bunch of trees and woods. Nagsimula na akong mag-alala kaya tumakbo ako papunta dito para humingi ng tulong."


Tumango ito sa akin at sinarado ang kanyang notepad. "Tatawagin ko muna ang chief namin. Siya kase ang naka-assign sa mga nawawalang 'tao' dito sa lugar na ito. Dito ka lang muna. Saglit lang ako."


How dare he emphasize the word 'tao'. Mukha ba akong alien?


"Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo, Flores?" rinig kog bulong sa gilid kaya napatingin ko doon.


"Oo nga po, Mang Kulas. Nainom niya po kase yung tubig. Alam mo naman ang ibig sabihin nun diba?"


Never Knew Fantasy Was RealWhere stories live. Discover now