Chapter 1

39 0 0
                                    

•••

"Qᴜᴏᴛᴇ Fᴏʀ Tʜᴇ Dᴀʏ"

I never thought I'd like you this much, and I never planned to have you on my mind this often.

•••

"Yow, Ary. Coke mo."

Napa-angat ang ulo ko at tumingin sa classmate kong tinawag ako. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. Inilapag pa niya ang coke na ipinabili ko sa kanya sa desk ko at pati narin ang sukli ng fifthy pesos. Nagpasabay ako sa kanya na bumili ng coke sa canteen since pumunta naman siya doon kasama ang barkada niya na classmates din namin. 

Nginitian ko siya. "Salamat, Aljon ah. Bait mo talaga." sabi ko. "Sunod nalang 'yong libre mo." pangako ko pa. Napangisi siya kasabay ng pag-iling ng ulo niya. "Sus, Ary, kahit wag na. Malakas ka lang saakin." Aniya.

"Eh. Ah Basta." Sabi ko pa na muling ikinailing niya. Natawa ako ng mahina. 

Nagpaalam na siya sa akin na muling lalabas daw ng room namin, nasa labas kase ang mga barkada niya na nakatambay narin. Ang sabi pa niya na manghahunting daw sila ng mga babae sa ibang section na dumadaan lang na may kasamang pangtitrip sa mga lalaking dadaan. 

Hay naku, mga lalaki nga naman. Pero kilala ko naman 'yang si Aljon e, makikisabay lang 'yan sa mga trip ng mga barkada niya.

Clarify lang, hindi ko siya boyfriend o jowa. Classmate ko lang 'yang si Aljon at siya lang yata 'yung pinaka close at mapagkakatiwalaan ko rito sa room namin. Kahit pa kasama siya sa mga kalukohan ng mga kaibigan niya, pero pag dating naman sa akin, ibang iba siya. Ibang iba 'yung pinapakita niyang ugali and that's what I like about him. He's so kind to me. 

Siguro napapansin niya na walang may gusto o kumaibigan sa akin dito sa room so siya nalang 'yung gumagawa ng moves or way para hindi ko ma-feel 'yung pagiging lonely girl ko. Nakakatouch tuloy.

Binuksan ko ang coke ko at ininum ito. Nauuhaw na ako sa totoo lang. 5 mins ago nung natapos akong kumain, di ko naman pwedeng madaliin si Aljon na bumili, ano ako boss. Nakalimutan ko kase 'yung tumbler ko sa bahay sa sobrang pagmamadali kong umalis kanina. Ako sana yung bibili pero sakto namang pupunta sa canteen sina Aljon kaya nagpasabay nalang ako at etong coke nalang ang ipinabili ko. 

Inikot ko ang paningin sa room namin. Halos lahat ng mga classmates ko ay nasa canteen parin, pero may iilan namang natira so kahit papaano may kasama ako rito sa loob plus yung nasa labas na sina Aljon. Mga sampo yata kami rito sa loob ng room na may mga sari-sariling mundo. Kilala ko sila pero hindi ko sila close para kausapin o lapitan sila kaya bahala na sila sa mga buhay nila. 

And sa totoo lang ayoko rin ng atmosphere doon sa canteen. Masyadong crowded, ayoko ring maraming tao, nakakairita sa mata tapos may iba't ibang amoy pa akong maamoy, Gosh. At baka pag pumunta ako dun maabutan ko pa yung pinsan kong napakapapansin. Tss. 

Gusto ko pa namang makita si Eframe. Hays. 

Si Eframe pala na tinutukoy ko e crush ko 'yun dito sa school. Pag kakaalam ko e kilala siya ng pinsan ko so baka magkakasama sila, mahirap na masira pa diskarte ko at pagiging anonymous ko kay Eframe.

Ay teka, Oo nga pala, magkaklase silang dalawa. Gosh bakit ko nakalimutan 'yun. Anyway, may chismis ako sa inyo. Alam niyo ba na friends na kami sa facebook ni Eframe. Oo, yung crush ko agad akong inaccept sa facebook! Grabe talaga yung kilig ko that time kase feeling ko kilala niya ako. 

Although wala siyang masyadong posts sa timeline niya at hindi rin siya araw-araw nag a-update like 'yung nag shi-share ng memes o post ng kung anu-ano, 'yung parang pa sad boi but still ayos lang sa'kin 'yun no, basta friends kami sa facebook. Kuntento na ako ron.

She's Pregnant (new book) #wattys2021Where stories live. Discover now