Chapter 7

8 0 0
                                    

•••

"Qᴜᴏᴛᴇ Fᴏʀ Tʜᴇ Dᴀʏ"

I stage at you when you're not looking. And my heart stop when you look at me.

•••

"Yuri, your cousin is here.. he's looking for you."

Natigil ako sa pag scroll down sa newsfeed ng facebook ko dahil tinawag ako ni Cathy. I lifted my head and looked at her. She's smiling while pointing to the door of our room. Napatingin naman ako doon and there, bumungad sa akin si Stive na mukhang badtrip. Parang may galit sa mundo.

Anong problema kaya nito? And what is he doing here? Class hour pa, ah. Don't tell me magka-cutting siya at magpapaalam pa sa akin? Aba, matindi.

Ah, wait. Alam ko na. Maybe he got in late this morning. Haha. And he came here para makaganti sa akin o di kaya singhalan ako. Well, buti nga sa kanya.

Kasi I didn't wake him up even though he reminded me kagabi. At pinaalalahanan niya rin akong pumunta daw sa bahay nila para daw sabay kaming pumasok ngayon. Dahil naiinis na naman ako sa kanya, hindi ko siya sinunod. It doesn't matter to me if what Kuya thinks kasi wala na naman talaga akong secret jowa 'no. Sadyang ma-issue lang talaga 'tong si Stive. Sinisiraan niya lang ako sa sarili kong Kuya. Psh. Palibahasa walang Kuya. Duh.

Nga pala, alam niyo ba, pumunta siya sa bahay kagabi. Actually, he was waiting for me to come home galing simbahan. Natagalan akong umuwi kasi dumaan pa ako sa national books store, bumili ng bagong pad paper at mga ballpen. Pati pocketbooks narin, may nadiscover akong book, Wattpad books siya, so binili ko.

So 'yun nga, nasa sala namin siya prenteng nakaupo sa sofa naming malinis at kakapalit ko lang ng bagong ponda sa mga throw pillows habang siya ay nanunuod lang naman ng TV namin. Hay nako. Minsan iniisip ko na talaga na baka pinagkait siya ng TV nila sa kanila. Mas gustong manuod dito sa amin, e parehas lang naman kaming brand TV.

Tinanong ko siya kung bakit nasa bahay pa namin siya, sagot niya ay patambay daw. Ang tanong naman niya sa akin, bakit daw hindi ko siya sinama sa pagsimba. Dahil wala ako sa mood, hindi ko na siya sinagot, maiinis lang ako, e. Nakinuod nalang rin ako sa pinapanuod niyang laban na basketball habang siya pinipilit akong sagutin ang tanong niya. Kung hindi pa dumating si Kuya galing work, hindi pa niya ako titigilang tanungin kung bakit hindi ko siya sinama. Hindi rin naman siya nag sumbong. Subukan niya lang, sasabihin ko talaga kay Kuya na hindi kami sabay umuwi kahapon.

Tumambay rin si Kuya saglit dito sa sala at kinakausap si Stive habang ako focus na focus sa panunuod ng basketball. Nang biglang may tumabi saaakin, dahil sa gulat ko napasigaw ako. Napamura naman 'yung katabi ko. Pag lingon ko, si Vince lang pala na may kinakaing Nova at may dala pang Coke sakto na for sure ninakaw niya sa ref namin. Tinanong ko kung saan siya galing, sabi niya sa kusina daw namin. Naghanap ng pwedeng pagkain. See, nagnakaw nga ng coke namin. Inirapan ko nalang. Ang galeng. Pa-feel at home talaga ang mga kumag na 'to.

Tinanong naman siya ni Kuya if why he was still here e gabi na. Malayo-layo ang bahay nila sa amin. Ang sagot niya ay may dinala lang daw siyang pasalubong galing sa Kuya niya na umuwi galing Korea. Si Kuya Warren, ang panganay nilang kapatid.

Sa sobrang excited ko, nahampas ko si Vince sa balikad niya at hinanap sa kanya ang mga pasalubong at ang mga pinabili ko kay Kuya. Sabi niya nasa kwarto ko na daw lahat. Mga EXO merch at Albums ang pinabili ko kasi kay Kuya Warren. Sabi ko sa kanya na kung mahal man, ako na ang bahalang magbayad dito sa Pinas. Pumayag naman siya so agad agad ko siyang ti-next kung magkano utang ko sa kanya.

Sa sobrang excited ko kagabing makita ang mga pasalubong at pinabili ko kay Kuya Warren sa Korea, muntik pa akong malaglag sa hagdan. Jusko.

"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Pasigaw kong tanong kay Stive. Ang ingay kasi ng room namin kaya sinigaw ko na. Nakakahiya naman kase sa mga kaklase.

She's Pregnant (new book) #wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon