Chapter 27

4 0 0
                                    

•••

Qᴜᴏᴛᴇ Oғ Tʜᴇ Dᴀʏ!

Everything is going to be OK in the end. If it's not OK, then it's not the end.

•••

10:30AM ako nakarating sa school. Napakaaga kung tutuosin 'no. Aakalain mong masipag na estudyante talaga ako kahit mamayang 12PM pa talaga ang class ko.

Wala naman akong gagawin sa bahay e, at ayoko namang mag mukmok ng mag isa, baka mabaliw ako sa kaka-isip ng problema ko.

Mamaya kukuhain ko na pala si Tobi kina Eframe. Na-text ko na siya pero hindi naman nag reply. Well, hindi ko siya masisi. Sa sitwasyon namin na 'to, wala talaga siyang panahon para makipag text mate sa akin 'no. Tss. Ang swerte ko naman.

Medyo excited pero mas nangingibabaw parin ang kaba. Pero wala e, kailangan kong magpakatatag. Buhay ni Tobi ang nakasalalay rito. Kung 'di ko siya kukuhain ngayon, kawawa naman. Mas double ang pagsisisi ko nito sa sarili ko.

Dumiretso ako sa library namin. Mas prefer ko na mag review rito kasi nafe-feel ko 'yung pressure. Pressure na kailangan ko ring mag review para may maisagot sa exam mamaya.

Basta. For now, kakalimutan ko muna lahat ng mga iniisip ko. Para narin makapag focus ako.

Ayoko ng stress at ayoko nang may istorbo sa akin. Kaya naman ako lang mag isa na pumasok nang maaga. Hindi ko kasabay na pumasok si Stive kahit pa may binilin si Kuya sa kanya. Akala niya siguro nagbibiro lang ako sa sinabi ko sa kanya kanina na maaga ako ngayong papasok? Tss. Bala siyang kumatok sa bahay namin. Baka magbukas nun multo.

Nga pala, sabi ni Tita na kaya wala parin si Papa ay dahil may inaasikaso pa raw siya doon sa Batangas. Feeling ko nga kanina nagsinungaling lang si Tita e. Pero pinaniwalaan ko nalang kasi inisip ko agad na bakit magsisinungaling si Tita sa akin? Wala namang dahilan.

Napag usapan daw pala nila na doon na kami after naming grumaduate ngayong school year. Hindi lang kami, kundi kasama sila. Means, hindi parin kami maghihiwalay ni Stive nito? Ganu'n? Tss. ang kumag na 'yun, nakakasawa na siyang kasama, e. Pati sa college kasama parin? Aish.

Busy ako sa pag i-iscan ng science notebook ko nang may humablot nito. Agad akong napa-angat tingin sa kumuha. Handa na sana akong sermunan kung sino man ang istorbong humablot nang makilala ko ito. Si Aljon lang pala na may nginunguya pang lollipop. Ano siya, bata?

Akala ko ba no foods are allowed here sa library? Pinuslit lang, ganu'n? Loko 'to. Buti hindi siya sinita nung teacher na nagbabantay.

Umiling ako at hinayaan nalang na basahin niya ang nakalagay sa notebook ko. Mukhang hindi siya masyadong nag review kaya ang aga niya ring narito ah. Sana nga lang hindi siya mang istorbo.

Kinuha ko ang math notebook ko at doon nag focus ng tingin. Pansin ko naman na umupo siya sa kaharap kong upuan.

Halos naka isang minuto yata kaming tahimik at mukhang sineryoso niya ang pagre-review sa notebook ko kaya lihim akong napangiti. Tama 'yan. At least walang mang iistorbo.

"Oh, nginingiti mo dyan? Anong iniisip mo? Ikaw ah, hindi ka nagre-review, may iniisip ka."

Napa-angat ako ng ulo ko. Patay malisya akong tumingin sa kanya habang pinagmamasdan siyang ngumunguya ng lollipop niya. Nakakainggit naman. Parang gusto ko ring may nginunguya.

"Ano? Wala akong inisip 'no. Loko. Mag review ka na nga lang dyan." Giit ko at muling tumingin sa binabasa ko.

"Asus. Di-neny pa, kasi ako 'yung iniisip." Bulong niya na mukhang pinaparinig parin sa akin.

She's Pregnant (new book) #wattys2021Where stories live. Discover now