Chapter 20

9 0 0
                                    

•••

"Qᴜᴏᴛᴇ Fᴏʀ Tʜᴇ Dᴀʏ"

I sometimes dream about you and me, in a fairy tale. You are my prince charming, my knight in shining armor, and I am your princess and your soon-to-be-queen. And we will live happily ever after.

•••

"His, pwede ka ba bukas?"

Naglalakad na kami ni Historia palabas ng building namin. Pupuntahan namin building nila Stive at Jun para abangan sila. Bukod sa kakausapin ko si Jun, sabay-sabay rin kaming uuwi.

"Uhm. Pwede naman. Why? Gagala ba tayo, saan ba?" Umiling ako sa tanong niya.

"Niyaya kasi ako nung kaibigan kong taga western high na sumama sa pag ce-celebrate nila ng intrams. Pwede naman daw na outsider so niyaya nila ako para manuod rin daw ng laban nila. Uhm.. yayain rin sana kita, kung gusto mo lang namang magsaya before tayo mag exam next week." Ani ko..

Napa-isip naman siya. "Oo nga 'no, nag start na pala ngayon 'yong intrams nila. Sige sige. Nakapag advance review naman ako."

"Talaga? Yes! Salamat naman at pumayag ka. Feel ko talaga na hindi mo 'ko matatanggihan. Bessy mo kaya ako.." Masayang giit ko at napa-akbay pa sa kanya na ikinagulat niya. Pero kalaunan hinayaan naman na niya akong gawin iyon.

"Ikaw pa ba, hindi naman kita matitiis eh." Tugon niya na ikina-touch ko. Aw.

"Salamat, His." Ani ko at niyakap na siya patagilid. Hinayaan naman niya akong gawin iyon.

"Uhm.. alam mo, simula nung nakilala kita, nabu-boring na ako sa bahay." Aniya habang kumakamot sa ulo. Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Pero ilang segundo ang nakalalipas, napahalakhak ako.

"Parang sinasabi mo na bad influence ako sayo, Sis."

"Hala, hindi naman 'no. It's a good thing nga e kase hindi na ako nakakaramdam ng pagkatamad na pumunta sa gusto kong lugar na puntahan." Sabi naman niya.

"Ayyiee. Tinadhana talaga tayo eh. Apir nga!"

At nag apir nga kaming dalawa habang hindi maalis ang ngiti namin sa labi.

"Uhm. Nga pala, sa Western high diba? Tamang tama may pinsan akong nag aaral doon, papakilala kita."

"Whoa. Talaga!? May pinsan ka!? Meron rin ako eh. Pero anong name? Girl ba?" Excited na tanong ko. Syempre para kaibiganin ko rin kung babae man.

Napakamot siya sa sentido niya at tipid na ngumiti. Napakalas ako nang yakap sa kanya at hinarap siyang nagtataka.

"Lalaki 'yong pinsan ko na 'yon e. Uhm. Kung gustong wag ko nang ipakilala, okay lang naman.."

"Aw. Sayang naman. Pero ayos lang naman, ipakilala mo parin sa'kin para dagdag collection ko ng mga taong nakakakilala sa'kin. Hehe.. So anong name at anong year na nung pinsan mo na 'yon?"

"Jasro. 4rth year narin kagaya natin."

Tumango-tango ako. "That's nice. Sabay sabay tayong ga-graduate. Sana mabait rin siya katulad mo."

Nang makaratimg kami sa building nila, marami naring nag-aabang na mga estudyante sa bawat rooms para abangan ang mga kaibigan nila.

Tumapat kami sa tapat room mismo nila Stive at sumandal sa railings.

Pansin ko na kinuha ni Historia 'yong phone niya sa bulsa at kinalikot ito. Hindi ko nalang siya inistorbo, may hahanapin pa kasi ako eh. 'Yong future boyfriend ko. Hehe.

Naalala ko tuloy 'yong kanina. Hay. Kasalanan ko ba talaga na nakaharang ako sa daan? O sige, mag iingat na ako sa susunod para hindi na siya magalit.

She's Pregnant (new book) #wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon