𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 8

425 16 8
                                    

❥︎CATHERINE BLAIRE POINT OF VIEW❥︎

"I want your full attention, I want you to be safe from that motherfucker asshole dickhead, and I want you to just stay by my side," pasigaw na sabi niya sa akin na hindi ko nalang siya sinagot dahil alam ko naman na nagbibiro lang siya. Tasked! Bakit ba kasi binibigyan niya ako ng rason para mahulog ako sa patibong niya.

Hindi na lamang ako nagsasalita buong byahe hanggang makarating kami sa hotel. Well! Lahat ng PA ay iisa lang ang kwarto kaya lima kami ngayon dito na puro babae lang.

"Cath, bakit ba ang lapit-lapit mo sa boss mo sayo? Ako kasi ang sungit-sungit ng boss ko," nakasimangot na sabi ng isang Personal Assistant na kagaya ko sa akin and she's referring to Mr. Villanueva.  

"Awww! Hindi 'yan siguro nag-aadjust palang si Mister Villanueva. You know bago ka niyang PA, darating din ang araw na maging close kayo. Ganyan ako noong unang sabak ko sa pagiging PA ng boss ko," proud kung sabi habang inaayos ko ang igahan ko dahil gusto ko ng makapag pahinga.

"Sana nga Cath," nakangiting sabi niya sa akin. Saka siya pumunta sa kanyang kama. Ang hotel kasi namin ay naglalaman ng limang kama, malawak kasi like ewan ko ba bakit ganito.

"Ladies, let me remind you that at exactly 9:00 in the evening dapat kumpleto na ang mga kagamitan ng mga boss. Mula sa isusuot hanggang sa matapos ito. Maliwanag ba Cath, Viena, Sansan, Pauline at Yen!" seryosong sabi ng manager nila na si Ma'am Regina. Istrikta siya pagdating sa mga concert ng mga alaga niya, pero mabait naman talaga siya.

"Opo manager," sabay sabay na sabi namin lahat na ikinatango naman niya bago siya umalis sa aming suit dito sa hotel ng Goggins de' Palacio.

Nakahinga ako ng maluwag habang tumitingin sa buong kwarto saka ako pumunta sa kamang para sa akin. Gusto ko kasing magpahinga na, habang inaayos ko ang sarili ko sa kama ay napapa hmm ako ng isang kanta.

Saka hihiga na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakasimangot kung dinampot ito pero ng makita ko ang caller ay napapailing ako saka ko sinagot ang kayang tawag. 

"Oh problem baby?" tanong ko agad sa kanya pero hikbi lang ang narinig ko kaya napatayo ako sa aking kama saka ako pumunta sa veranda.

"Bakit ka na naman umiiyak honey? May nangyari na naman ba sayo habang wala ako sa tabi mo hmm!" nag-aalalang sabi ko sa kanya habang pinapatahan ko siya.

"Kasi naman eh, hindi ko na kaya mga ipinakita sa akin ni mama, ewan ko ba kung ano ang mga nagawa kung kasalanan. I admit naman kung bakit nawala si papa sa puder namin," humihikbi na sabi niya sa akin na ikinangiti ko kahit hindi niya nakikita. Well! Paulit-ulit nalang kasi siyang umiiyak ng dahil kay tita Blanca ang mama niya.

"Shhhhh! Tahana, 'wag ka ng umiyak baka nabigla lang si tita sa ginawa na naman niya sayo kaya tama na, hindi kita masasamahan ngayon honey alam mo naman na may concert ang boss ko dito sa Canada," malungkot na sabi ko sa kanya tsaka ako tumunghay sa railings at tumingin sa kalawakan dahil palubog na ang araw dito.

Nandito pala kami sa Dawson Creek Canada. Kung saan gaganapin ang kanilang concert. Kung 5:30 Pm dito ay 5:30 naman ng umaga doon sa Pilipinas. Pero kay aga naman na umiiyak ang kaibigan ko.

"Oo na po alam ko, pero nasasaktan lang kasi ako sa mga binibitawan na mga salita ni mama sa akin," humihikbi pa ring sabi niya sa akin kaya napa dighay ako dahil malaki ang pagbabago ni tita Blanca.

LO #6: My Other Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now