Chapter 1: Beginning

5 1 0
                                    

BBZZRRR...

BZZRRR...

Bzrrr-

Kaaga-aga, ang ingay!

Pinatay ko ang alarm ko saka inis na bumangon.

Wala pamang dalawang segundo ay tumunog narin ang aking ikalawang alarm clock...

"WOI, IZA, GUMISING KANG BATA KA!"

Hayst... ayan na si mama.

Napatingin ako sa orasan, 5:00 am pa naman, 5 minites nalang sabi ko sa isip at humiga ulit saka tinakpan ang mukha ng unan.

Wala pa namang isang minuto ay ayun na naman ang sigaw ni mama.

"JAZ ELIZABETH MARQUEZA!"

"Gising na!"sigaw ko pabalik at kinuha ang eyeglass ko sa mesa at sinuot ito saka bumaba na.

Ano bayan, antok na antok pa naman ako.

Pagkababa ko ay nandun na sina mama at Max, bunso kong kapatid, sa mesa, kumakain.

"Hayst, ikawng bata ka, magse-senior high kana ngayun, late ka parin" bungad sakin ni mama nang makaupo ako sa harap niya.

"Good morning, ma" bati ko sa kaniya at binalewala ang sinabi niya.

"Morning ate!"masiglang bati ng bunso ko.

Nginitian ko ito at ginulo ang buhok. "Good morning!"bati ko.

Nilagyan ko na nang pagkain ang plato ko at nilantakan ito. Wala paman nagkakalahati ang kanin ko ay tumayo na si mama at nagpaalam na pupunta na siya sa trabaho niya, as usual.

Dinalian ko nalang ang paghanda sa sarili. Nang matapos ako, sakto namang dumating na si manang Lily para magbantay kay Max. Sandali paako nakipag kumustahan nito bago nagpaalam na papasok na.

——*

Hayst.

Cypress University...
a place where you can know yourself more.

Napangiti ako sa nabasa at tuluyang pumasok sa malagintong higanting gate.

This is it... the first day of my senior high life!

Woah!

Dahil sa pagkamangha ng masilayan ang loob nito ay dalidali kong kinuha ang cellphone ko para kumuha ng picture.

Habang ako ay namamanghang kumukuha ng mga pics dito, bigla nalang nagtilian ng malakas ang mga babae sa likuran ko...

"WAH! THEY'RE HERE!"

"PentagonW!Mwah!"

"Daddy Jet, I love you!"

"My Lucas, I'm free!"

"Myener!"

"Cywell! MARRY ME!"

Dahil sa wala akong paki ay hindi kona ito nilingon at nagpatuloy nalang sa pagkuha ng matigilan ng biglang may bumangga sakin dahilan na nabitawan ko sa ere ang cellphone ko.

Luh!

Pero, sinwerte naman, nakahinga ako ng maluwag ng masalo ko ito.

Buti naman, kung nahulog, patay ako ni mama.

Mariin akong napapikit at inis na hinarap ito, pagsasabihin sana kung ba't ako binangga nito ng makitang wala na ito at nilagpasan na ako. Nawala narin ang mga babae na kanina ay nasa likuran ko dahil nakabuntot na ngayun ito sa apat na lalaking nakatalikod papaalis.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now