Chapter 6

1 0 0
                                    

"Combined it together to form...."

Nasa mesa ang isang kamay ko na pinatongan ng mukha ko habang nakikinig sa prof. Kanina pa akong nangangating lumabas na dito sa lab.

Science namin ngayun. Kahit anong pakikinig ko ay hindi parin ito pumapasok sa utak ko.

Hindi naman sa ayaw ko ang subject na science, malas lang talaga na may ugok sa gilid ko.

FLASHBACK*

Dali dali ko nang tinapos ang chips ko saka iniligpit ang mga gamit.

Papunta ako ngayun sa second subject namin sa hapon na science. Wala ang aming Math prof kanina na first subject namin sa hapon dahil absent raw ito kaya free time namin. And I spend my whole time in the library.

Hindi naman ako natagalan na nakarating sa science lab dahil nasa iisang building lang naman ang library at lab.

Nang makarating ay umupo ako sa may bakanteng upuan na nasa pinakadulo. Yung hindi palaging napapansin.

Wala pa naman ang prof kaya maingay pa ang mga kaklasi ko.

Mayamaya pa ay dumating narin ito. "Good noon class!"

Nagsipagtayuan ang lahat. "Good afternoon, Sir Ben" saka nagsibalikan kami ng upo ng paupoin kami.

"Okay class, our topic for today is..." nasa gitna nang pagdi-discuss si Sir sa harap ng may marinig kaming mga yabag sa pinto. "since yesterday we're talking-"

"SIR!"

Napatigil ito sa pagsasalita at napatingin ang lahat sa pinto, sa bagong dating.

At dahil wala akong pake, hindi na ako nag aksaya pa dahil may sinusulat ako.

"Sorry sir, I'm late"

Natigilan ako sa narinig na pamilyar na boses at gulat na napatingin sa lalaking bagong dating.

"Oh, Mr. Milinor-"

"AHHHHHH!!!"

"CYWELL!"

"HERE, SIT BESIDE ME!"

and there goes the buzzer. Anh ingay-ingay ng mga ito habang siya ay walang emosyon lang nakatayo.

"Hay! Quite" pagpatatahimik ni sir nila, sumunod naman ito.

Ang ingay ingay, kala mo kung sinong presidente dumating.

"Lets go back to the beggining and mr. Milinor, go find a chair."

"Yes sir" iginala nito ang mga mata niya. Halos lahat ng babae ay nakataas ang mga kamay na sinasabing dito, sa tabi raw nila umupo ito, pero kahit isa ay hindi niya ito pinansin.

Natigil lang siya sa kakahanap ng magtama ang mga mata namin. Napangiwi ako ng ngumisi ito sakin. Just a simple smile pero grabi ang tilian ng lahat.

"Hash, I said Quite!"natahimik naman ang lahat dahil parang naiinis na talaga si sir. "And mr. Milinor, go sit." saka ibinalik ang atensyon sa sinusulat sa white board.

Nakangisi parin ito sakin na naglakad papunta sa direksyon ko. Napa "ahhh" sa paghihinayang, selos, ang mga babaeng nilampasan niya.

Maslalong napangiwi ako ng kinuha niya ang bakanteng upuan na nasa tapat ko at binuhat papunta sa tabi ko.

Nakangisi parin ito sakin na inirapan ko naman.

Ramdam ko ang tingin ng lahat sakin and I was right. Nang mag-angat ako ng tingin ay kita ko ang masasamang tingin nila sakin, grabi panga itong nasa harap ko nayung katabing upuan ng kinuhanan ni Cywell.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now