Chapter 2

4 1 0
                                    

"Try me..."

Maslalo lang akong nanginig ng marinig ang nakakatakot na boses niya. Hindi lang hamon ang gusto niya, parang may sinasabi pang iba ito, more like a threat but still, I put up my brave face.

"Okay!"tanging masagot ko.

Nagsmirk lang ito saka tumalikod at umalis.

Sinundan ko ito ng tingin. Nangmawala siya ay napahawak ako sa dibdib ko at napasandal sa puno.

Who's he?

Grabi ang takot ko kanina pero ayaw korin namang ipakita sa kaniya na mahina ako.

Cywell Ferrer Milinor...

Pamilyar ito sakin ang apelyido na Milinor. Parang nabasa ko na pero kahit paano ay hindi ko ito maalala.

Napatingin pamuna ako sa paligid at sa taas ng puno kung may iba paba. Nang wala akong makita ay dalidali kung iniligpit ang mga gamit ko at umalis na roon.

Sino kaya yun?

-----

Hanggang sa klasi ay hindi parin naalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Ano kayang ibig sabihin niya sa try me?

Napailing ako at iwinaksi nalang ang lahat. Bahala nga siya, siya lang din naman ang maga-guidance office pag may gawin siya.

Nang matapos ang klasi ay dumiretso na ako sa bus station at sumakay pauwi.

Pagkatapos ng biyahe ay bumaba na ako at bumili muna nang snacks dahil alam kong magugutom ako sa gitna ng pauwi ko dahil kaylangan ko pang maglakad pauwi. Hindi naman malayo kaya ok lang.

"~Save the world. Come with me. Time to let our dreams fly free..." mag-isa akong naglalakad sa village namin habang inaalala ang kanta namin noon sa GSP. Maggagabi na din, kaya kakaunti nalamang ang mga tao nasa labas.

Nagpatuloy nalamang ako sa paglalakad at pagkanta. "The girls scout together, we change the world-..."

"Bow!" rinig kong sigaw and the next thing I know was that I'm facing the orange-red sky.

Hala,  ano yun stars?

"Oh no, miss, are you okay?" natauhan lang ako nang may humarang na mukha, nakababa ang tingin sa akin ng isang lalaki. Umupo ako at hinanap ang bag ko.

"Here"sabi niya sabay lahad ng bag ko, tinanggap ko naman. Syempre, akin to eh.

"Thanks."mahinang sabi ko.

"Are you okay?"ulit niya sa tanong at naglahad ng kamay sa harap ko, hinawakan ko naman ito at tumayo.

"Yeah, I'm fine" iling ko sa kaniya, nabawasan naman ang pag alala sa mukha niya.

"Thank god, I'm so sorry miss, my dog is very cheerful today"sabi niya at nagbaba ng tingin sa golden retriever na nasa gilid niyang nakalawit ang dila. "His so harsh sometimes... I think"

Sakit nga paa ko...

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na maintindihan pa dahil naka focus na ang atensyon ko sa baba.

Umupo ako sa paa ko upang magpantay kami ng tingin sa alaga niyang aso. I pat his head. Hindi naman ako takot sa aso, sila panga ang lumalapit sakin. "Hey there, what's your name cutie?"

"Oowwhhuuu!"umongol lang ito bilang sagot.

"A-ah, his name is Bow..." ang amo niya ang sumagot para sa kaniya.

Nilawakan ko pa ang pagngiti ko nang humarap ulit sa aso. "Bow... cute!"

Dinilaan ako nito sa kamay na ikinatuwa ko. Tumayo ako at sa amo nanaman tumingin.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now