Chapter 5

2 0 0
                                    

Riiinnggggg...

"Thats all for today, you may take your recess."

Nagsipagtayuan na ang lahat para pumunta sa canteen.

Nang mabawasan ang mga estudyanti sa pinto ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na.

Habang naglalakad sa pasilyo ay ramdam kong may nakamasid sakin kaya mas dinalian ko pa ang paglalakad nang bigla nalang akong bumagsak sa sahig.

"HAHAHAHA limp!"

Narinig ko ang mga arteng tawa. Dalidali akong tumayo at nilingon ito. And yeah, just what I thought...

"Hey there, nice to see you again!"sabi ng nasa gitna na si blondina. At, agh, sinuntok ba sila sa lips o sadyang ganyan lang talaga, ang pula!

Inirapan ko lang ito saka tinalikuran sila. What's nice in seeing you three?

Napatili nalang ako ng biglang may humila sa buhok ko at pinaharap sa kanila.

Hinawakan ako ng dalawa niyang tagasunod: ang isa nasa dalawang kamay ko na nilagay sa likuran ko, at ang isa ay sa buhok ko.

"You dared turn back at me? Bastos ka ah!" itinaas niya ang isang kamay niya kaya pumikit nalang ako para hindi madama ang sakit sa sampal niya.

Pero, nagtaka ako ng makalipas ang ilang segundo ay wala akong madamang sakit kaya nagmulat ako at nagulat sa nakita.

Biglang nawala ang maarte niyang mukha na nakatingin sa babaeng nakahawak sa kaniyang nakataas na kamay, pinipigilan ito sa akmang gagawin.

"Hey cuz!" sabi nito ng makahupa sa gulat.

"What do you think your doing?"walang emosyong sabi ng babae na nakatingin sakin.

"Cuzi, its not what you think. Were just trying to befriend her..."paliwanag niya. Eh, makipagkaibigan? Pft. Nagpapatawa ba siya?

"That's the worse of the worst in your lies."sabi ng babae at binitawan ang kamay na nasa ere parin. "Okay, now, continue."bahagya itong umatras at pinag-cross ang kamay na nakatingin samin.

"Ahhh, continue what?"

"Tsk, stop with your shits Liela. I know you, now go."maawtoridad niyang sabi. Parang mga aso naman itong binitawan ako at mabilis na tumakbo.

Sinundan ko sila ng tingin.

"Hurry girls!"

Tsk, mga gaga.

Nang may maalala ako ay binalingan ko naman ang babae. Ngayun ko lang din napagmasdan ang ganda niya!

Woah, shes an angel!

Ang buhok niya ay magkahalong kulay puti at abo, nasa baba ang puti niya at sa ilalim naman ang gray, long and wavy. At -agh, taas niya!

May lahing higante ba sila lahat dito?

Naiilang kong sinalubong ang mata niyang kulay brown. Nakakatakot naman siya, grabi ang tingin niya. Hindi ko naman alam kung galit ba siya o ano dahil blangko lang ito.

"Umh, thanks..."napakamot ako sa ulo at nagbaba ng tingin.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin. Hindi paman ako nakarecover sa gulat ay lumayo na siya.

"Are you okay?"mahinhin niyang sabi.

Anong yari?

Tumango ako. "A-ah, yes, thanks!"

"What's your name?"

"Umh, Jaz -Jaz Elizabeth Marqueza..." halos pabulong konang sabi.

"I'm Fleur Lorraine Nye, and if ever may nanggugulo pa sayo, magsumbong ka sakin, okay?"

Woah, grabi siya!

Sino ba siya?

Kahit nagtataka ay tumango nalang ako. "Okay."

Nag beep ang cellphone niya kaya in-excuse niya muna ang sarili.

"Ah-huh... okay... I'm on my way" saka niya ito binaba. "I'm sorry, Jaz, but I need to go, medyo nagkagulo sa faculty eh, and you know, a President must always be there!"sabi niya na ikinagulat ko.

Itinuro ko siya. "Your the student president?"

"Amh, y....yes, wait, bago ka?"siya na naman ang nagulat.

"Yes, president," yumoko ako at pumikit. "I'm so sorry for wasting your time, president..."

"Oh, no, please stand straight" sinonud ko naman siya, nahihiya parin. "I'm just the president, not the queen to make you bow."

But you look like one.

"Basta, sasusunod na guluhin kapa nila, just call me, okey?"ngisi niya, tumango lang ako dahil sa kawalang sagot.

Tsk, titigil bayun?

Nang matapos kaming mag usap ay nagpaalam na ito saka dalidaling tumakbo.

Naiwan akong nakatingin sa dinadaanan niya.

Ang gaganda naman nila dito. Pero, ang iba naman, sayang ang ganda kung pangit naman ang ugali. Ang gugwapo naman ng mga lalaki, pangit naman sa loob. At ang pinakakainggitan ko pa ay.... ang tataas nila!!!

"Baka."

"Ay, kabayo!"napahawak ako sa dibdib ng biglang may magsalita sa likuran ko na halos mapatalon ako sa gulat.

Nang tingnan ko ito ay biglang nagulo ang araw ko. Just by seeing that face.

"Bakageta utako"

Kinunotan ko lang ito ng noo. "Ano ba pinagsasabi mo, boang ka?" tanong ko na ikinakunot naman ng noo niya.

"Hey Geek, I said don't you dare call me other names except my name!" inis, parang batang sabi niya na ikinatawa ko. Boang lang naman, hindi pa maintindihan?

"What so funny?"inis paring tanong niya, pinigilan ko nalang matawa.

"Ang cute mo lang HAHAHAHAHA!" natawa na naman ako. Childish talaga. HAHAHAH.

"Anong sabi mo?" gulat niyang sabi, natigilan din ako. Anong sabi ko?

"I'm... cute, you say?" ngisi niya na ikinangiwi ko.

"Eh, sabi ko ba yun? Ang sabi ko... a-ano...." naiilang naako!

"Ano?" ngumisi ito, kaibang ngisi na ngayun ko lang nakita sa kaniya.

Ano ba kasi ang sinabi ko?!

Muli itong nagsalita ng hindi ako makasagot. "Cute ko raw?"

"Eh, eww, hindi noh!" pagtanggi ko, hindi naman diba?

"Weh, eh ano nga?"

"Sabi ko, mukha kang asong ulol!" sabi ko sabay takbo.

"HOY PANGIT, BUMALIK KA DITO!" rinig kong sigaw niya pero hindi ko na ito nilingon.

"ASONG ULOL!"sigaw ko pabalik at mas binilisan pa ang pagtakbo. Mahirap na, baka mahabol pa ako nun at kung ano ang gawin sakin.

Ano bang pinagsasabi ko?

:/

Walking In The WindWhere stories live. Discover now