Chapter 11

11.6K 697 195
                                    

UMAYOS ako ng tayo at mataman siyang binalingan ilang metro ang distansya mula sa akin. 

"You're asking me to go out and have a dinner with you?" I asked, making sure if I heard him correct. 

He shrugged his shoulders. "I am…"

"Bakit?"

Kinuha ko ang tuyong basahan mula sa cart bago tumalikod at pinunasan ang glass wall. Hiningahan ko pa ito at nang makita ang bakat ay agad ko rin pinunasan. 

"Anong bakit?"

"Bakit mo ako niyayayang kumain sa labas?"

"Because I'm hungry?" 

"Bakit kailangan mo pa ako isama?"

I heard his loud sigh that made me turn around. Tamad siyang nakatingin sa akin, tila napipikon sa mga sagot ko. Natawa ako. 

"Naglilinis pa ako."

"You can just clean the living room tomorrow. Kapag natapos ka dito sa kwarto, puwede na tayong umalis."

Tinaasan ko siya ng kilay. I wonder why he's asking me to have dinner with him. Wala namang malisya ang mga ganitong bagay sa amin. Inviting someone over dinner is such normal. Nakakapagtaka lang na ako ang pinili niyang yayain lalo na at hindi naman kami ganoon ka-close. 

Hindi gaano. Hindi talaga. 

Baka bored siya at gusto niya lang nang kausap habang kumakain? Isn't he a silent type of person? Iyon ang tingin ko sa kaniya. Iyong tipong kahit ata maghapon hindi magsalita ay hindi mapapanisan ng laway. Hindi siya 'yong tipo ng lalaki na puwede mo makakwentuhan sa buong araw. 

Ah, basta. Bored lang talaga siya. Huwag ka na masiyado mag-isip, Thalia. 

"What are you thinking?" he asked. He must have noticed that I suddenly spaced out. 

Umiling ako. "Wala naman. Iniisip ko lang kung ililibre mo ba ako."

The edge of his lips lifted in a sexy smirk. "I am inviting you so I guess it's already automatic."

Natawa ako saka tumango. "Tapusin ko lang 'to."

Ang bilis pumayag, Thalia. Tatanggi pa ba ako? Nagugutom na rin naman ako. At isa pa, libre naman. Sino ba ang aayaw sa libre? Kahit sabihin na may pera naman ako at kaya ko kumain kahit saang restaurant ko gusto, hindi ko pa rin gagawin lalo na at nangako ako sa sarili kong hindi ko na gagalawin pa ang pera ni Daddy. 

🗽

SA ISANG Filipino restaurant ako dinala ni Christian makalipas ang kulang kalahating oras. Hindi ko inaasahan na dito niya mapipiling kumain sa dami ng restaurant dito sa Brooklyn. Nawala sa isip ko na may lahi siyang Pinoy dahil sa totoo lang ay hindi iyon halata sa kaniya. Mas nananaig sa kaniya ang itsura nang pagiging Amerikano. 

With his tall height, well maintained body, fair complexion and gray eyes — I would have thought that he somehow has the similarities to Chris Evans. Lalo na kapag tumataas ang kilay niya at tumitingin ng patagilid, may hawig sila. 

"Filipino food pala ang gusto mo…" pangungunan ko nang makaupo kami sa pwesto sa may bandang gitna. 

My eyes were roaming around and in fairness to this place, it gives me the feeling like I'm home. Mula sa mga abanikong naka-display sa kulay kahoy na dingding, mga larawan kung saan naroon ang mga sinaunang tao… hindi ko alam ang tawag sa kanila. Absent ako nung itinuro 'yon sa akin ng teacher namin sa Sibika at Kultura. 

"I just want to eat something that I miss."

Lumingon ako kay Christian. Nasa isang banda nakatuon ang mga mata niya habang magkasalikop ang mga kamay. Umayos ako ng upo at nginitian siya.

Bewitched By You (After All Side Story)Where stories live. Discover now