Chapter 19

11.4K 695 241
                                    

Tumayo si Hell at maangas na naglakad palapit sa akin habang may ngisi pa rin sa labi. Hindi pa rin ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko.

Ba’t nandito itong lalaki na ‘to? Alam kong mayaman siya at kahit na saang bansa ay kaya niyang pumunta nang walang kahirap hirap. Pero ba’t nga siya narito?

Hell slouched a bit as soon he got close to me and kissed me on the cheek. Tinaasan ko siya ng kilay nang magkatinginan kami. He’s looking at me like I am the only person he could see. Lumalim ang ngisi sa labi niya.

May kalokohan na naman ‘to. Basta ganito ang klase ng ngisi niya ay siguradong may kaabnormalan na namang umiikot sa utak niya.

“Ba’t ka nandito?” tanong ko ulit.

He shrugged his shoulders. “Missing you, I guess?”

Tinaliman ko siya ng mga mata. The ghost of smirk on his lips tells me that he’s really up to something. Mula sa akin, dumapo ang mga mata niya sa likod ko. Tumaas ang kilay niya, pinagmukha siyang lalong mapaglaro.

Si Christian!

Mabilis akong tumalikod at hinarap ito. He’s looking coldly at Hell. There’s something with the way he looked at him. Binigyan ko nang mabilis na tingin si Hell. May kalakip na pang-aasar ang klase ng tingin na ipinupukol niya kay Christian.

“Uh… Christian, this is Hell Suarez. He’s my business partner in Philippines. Hell, this is Christian Ricaforte. He’s the owner of the hotel I’m working in.” pagpapakilala ko sa dalawa.

Ngumisi si Hell nang hindi inaalis ang tingin kay Christian.

“Your boss, huh?”

Christian let out a smirk and it’s laced with danger. “More than that actually.”

More than that? Uh, yeah. We’re friends.

“Hmm. I see. Hell…”

Inabot ni Christian ang kamay ni Hell, walang kangiti ngiti sa labi at tila napilitan pang tanggapin ang kamay ng kaibigan ko.

“Christian.”

Tila ba napapaso silang dalawa nang magbitaw ng kamay. Halos mapalundag ako nang maramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Christian sa bandang likuran ko. Tagos sa itim na bestida ko ang init ng palad niya.

Bumaba ang tingin ni Hell roon. His thick and bushy eye brow rose playfully. He let out an audible smirk before anchoring his eyes back to me.

Tumalikod siya ay naglakad pabalik sa couch. Pansin na pansin ang mga tattoo niya sa braso pababa sa kaniyang mga kamay. He’s wearing a black semi fitted vneck shirt. He has full sleeves tattoo in different designs. Bagay sa kaniya at hindi mukhang madumi dahil maputi rin siya gaya ni Christian.

Gaya ni Christian? Teka, bakit ko ikinukumpara?

“Eve gave me her address. Siya na rin ang sumundo sa akin sa airport.” sabi ni Hell nang makaupo at idinekwatro ang mga binti habang nanonood muli ng TV.

“Where is she? Bakit hindi mo sinabi na dadating ka? Sana ay ako na ang sumundo sa’yo.”

Naramdaman ko ang paggalaw ng palad ni Christian sa likod ko. Bakit ba ako hinahawakan nito?

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. From Hell, he looked down to me and gave his brow a lift.

“You’re busy with work. You have no time to fetch your friend at the airport.”

“I’ll make time, Chris. Ang lapit lang ng hotel mo sa airport.”

"Tss…” busangot na sagot niya saka inalis ang tingin sa akin.

Bewitched By You (After All Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon