Chapter 12

11.5K 613 262
                                    

Hindi ako tsismosang tao - medyo lang. Hindi ko ugaling makielam sa mga issue sa buhay ng mga taong kilala ko. I find gossiping really boring. But right now, I want to ask Christian some questions about his past relationship with Cheska.

Tatandaan mo, Thalia. Hindi ka tsismosa.

Hindi naman talaga. Minsan lang. Ngayon lang.

"Paborito mo pala ang gano'ng ulam?" pagbubukas ko ng tema habang nasa loob kami ng sasakyan niya.

Imbes na uuwi na ay inaya niya akong sumama sa Elixir dahil nagyayaya daw si Max at kasama nito si Beatriz. Ayos lang naman sa akin dahil kakilala ko na rin ang dalawang 'yon. And it's been awhile since I last saw that crazy girl.

"Depende sa luto." sagot ni Christian na seryosong nagmamaneho.

Mula sa pagkakahilig sa bintana ay tamad ko siyang nginisian.

"Luto lang ni Cheska ang gusto mo, ganoon ba?"

He didn't answer as if he doesn't want to answer that question in the first place. Kanina sa Filipino restaurant nung dumating ang order niya at natikman ang order niyang Chicken Honey Glazed chu-chu, kitang kita ko kung gaano sumama ang ekpresyon ng mukha niya matapos ito malasahan.

"This doesn't taste like her cook."

That was his comment that earned a lifted brow from me. It's then I realized that he went to that restaurant with me to order the food that Cheska must used to cook for him before.

Grabeng pagmamahal.

Sa itsura pa lang niya, sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Cheska, halatang siya 'yong tipo ng lalaki na mahirap maka-move on. Kung sa bagay, sobrang ganda naman kasi nung Cheska na 'yon. Pero kung ako ang nasa katayuan ni Christian at pipiliin lang rin naman ang ibang tao kesa sa akin, thank you next na lang.

Hay nako, Thalia. Ano ba'ng alam mo?

"Anong nagustuhan mo kay Cheska? If you don't mind me asking." tanong ko muli dahil hindi niya na talaga ako isinagot.

"I do."

Ngumuso ako. "You know what, Chris. The first step to move on is you must start opening yourself to others. Or even about the past that's hurting you."

"And there you were that night at the Cadman Plaza Park telling me that I should take things easy when it comes to moving on from her," he chuckled. "What happened to your golden advice, huh?"

Sinabi ko ba 'yon? Oo nga pala. Gusto ko nga kasi maki-tsismis ngayon. Kung ano ba ang nangyari at nagawa ni Cheska ang ipagpalit siya gayong sobrang gwapo at yaman nitong si Christian.

I tsked. "Magkukwento ka lang naman. Hindi porque gagawin mo 'yon ay kailangan mo na umabante."

He swiftly maneuvered the steering wheel to the other intersection. I unconsciously bit my lower lip seeing the veins in his arms. It's really obvious since the sleeves of his white button down shirt were folded till his elbow.

Sherep...

Bigla niyang pinaharurot ang kotse niya sabay bukas bintana namin parehas. Cold wind blasted my face. Nilingon ko si Christian, nakapatong ang kaliwang siko niya sa labas ng bintana habang ang hangin ay marahas na hinihipan ang tuwid na buhok sa ibabaw ng kaniyang noo.

"Francheska is an ideal woman. She's pretty, brilliant and elegant. She got everything a woman could ever asked for. Walang hindi magkakagusto sa kaniya." sa wakas ay sagot niya sa gitna ng ilang minutong pananahimik niya.

"I see. How about the man she chose over you-"

"I never become an option. It's always been him."

Bewitched By You (After All Side Story)Where stories live. Discover now