Chapter 9

51 7 6
                                    

Coleen's POV

"Coco!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Frances. Nakaupo na ito kasama si Ate Nile at Ate Lara, may kaniya-kaniya ng pagkain sa harapan nila. Agad namang hinanap ng mga mata ko si Gabb at mukhang wala pa ito.

Lunch na ngayon at tulad ng usapan ay sabay sabay kaming kakain.

"Ayan na si Gabb." Saad ni Ate Lara at tumayo para salubungin ito. Halos sabay pa kaming naglakad ni Gabb papalapit sa kanila.

"Tara. Upo ka na." Dagdag nito at hinila patabi sa kaniya.

"Ehem." I cleared my throat. Nakita ko kasi na sa kabilang side itatabi ni Ate Lara si Gabb at malayo ito sa akin. Napatingin sa akin si Ate Lara at mukha namang na-gets niya ang gusto kong iparating.

"Ahh, dito ka na lang pala, sa tabi ni Nile. Ilalagay ko pala 'yung bag ko rito, baka gusto ring kumain." Pagdadahilan nito at mahinang tumawa.

Dahil kay Ate Nile ako malapit ay doon na niya hinila si Gabb. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti kaya tinanguan ko ito.

Lalayo mo pa sa akin ah. Sabi na ngang akin 'yan.

Nang makaupo si Gabb ay saka na ako umupo sa tabi niya. Inayos ko ang bag ko at tinignan siya.

"Are you going to buy?" I asked. Nang lumingon siya sa akin ay binigyan ko ito ng ngiti. She nodded her head.

"Tara, libre kita." Tumayo ako at hinawakan ang pulso niya.

"Hala, hindi na." She shyly muttered. Nakatingala ito sa akin dahil nakaupo pa rin siya.

"Sige na, bawi ko na 'to sa'yo kahapon kasi sinamahan mo 'ko." Pagpupumilit ko.

"Ako din, Coco! Libre mo. Kasama din akong nagdala sa'yo sa clinic." Singit naman ni Frances. I shifted my gaze at her.

"Ha?" Saad ko na parang hindi narinig ang sinabi niya.

"Ako din kako..."

"Harurut!" I jokingly uttered. Napasimangot naman ito at ngumuso. "Oo na! Bili kita ng tubig." Agad na kumunot ang noo niya.

"Tubig lang?! Ang kuripot mo naman. Baka mamaya tubig lang din ililibre mo kay Gabb, ha!" She countered back. I rolled my eyes at her.

"Tubig lang deserve mo!" And I stuck out my tongue. "Tara na, Gabb." Hinila ko na patayo si Gabb at naglakad na papunta sa mga food stalls.

"Anong gusto mo?" Malambing kong tanong. Naglalakad na kami ngayon habang pumipili ng mabibilihan.

Baka ako gusto mo. Pwede mo naman akong angkinin.

"You don't have to, Coco." Then she giggled.

Tinignan ko siya at hindi pa rin inaalis ang mga ngiti ko. "Please?" At bahagyang nagpa-cute.

Baka sakaling gumana 'yung charm ko sa kaniya. Baka lang naman.

"Baka hindi ako makatulog kapag hindi ako nakabawi sa'yo." Sabi ko pa rito.

Muli siyang tumawa nang mahina. "Hindi mo naman kailangang tanawin na utang na loob 'yon. You're my friend and I really wanted to accompany you that time."

I gave her puppy eyes. "Please, Gabb." I pleaded.

Mukha namang gumana ang pagpapa-cute ko dahil natatawa siyang umiling. Ilang saglit pa ay pumayag na ito.

Bumili na kami ng pagkain namin at dahil naawa ako kay Frances ay dinamay ko na siya.

-

Amy's POV

Love You Out Loud (UniCocoTyang) Where stories live. Discover now