Chapter 16

66 9 11
                                    


Amy's POV

I knew it, tama nga ang kutob ko na aamin na talaga siya kay Gabb. Halos buong gabi yata akong nagdadasal no'n na sana ay 'wag na niyang ituloy at sana'y hindi na rin niya gawin. Pero buti na lang at mas malakas ang kapit ko kay Lord dahil walang aminan na nangyari.

But to be honest, kinabahan at natakot ako nang bigla siyang tumayo at mukhang balak na niya talagang sundan si Gabb.

Hindi ko naman in-expect na mas lalakas pala ang loob niya kapag gano'n ang mga sinabi ko. Ang goal ko lang naman kasi no'ng gabing 'yon ay takutin siya para panghinaan siya ng loob. Maling mali pala na gano'n ang ginawa ko dahil mukhang mas naging desidido pa siyang umamin.

Mabuti na lang at iba ang will ni tadhana. Para akong nakahinga nang maluwag nang biglang nagpaalam si Gabb at sinabi sa aming kailangan na raw niyang umuwi. Malas lang talaga ni Coleen at hindi nakaayon sa gusto niya ang mga nangyari.

Bawi na lang siguro siya next life, baka sa panahong 'yon ay hindi na siya torpe. I've given her enough time but nothing happened. Ngayon, ako naman at sisiguraduhin kong susulitin ko lahat ng oras na makukuha ko kay Gabb.

Speaking of, magkikita pala kami ngayon after ng class namin. I told her na sa auditorium na lang kami magkita dahil may kailangan akong sabihin sa kaniya.

Dapat kasi ay may lunch date kami kahapon pero hindi na nga ito natuloy. Sinubukan ko rin siyang yayain kanina pero mukhang busy talaga sila nitong mga nakaraang araw dahil sa pagtapos ng miniature nila. Ayoko naman siyang istorbohin at guluhin dahil baka mamaya ay ma-turn off pa siya sa akin at tuluyan na akong mawalan ng chance.

Buti na nga lang at hindi ko na masyadong iniintindi si Coleen ngayon. Because according to Gabb, pagkatapos daw ng dinner naming tatlo last last night ay hanggang ngayon, hindi pa rin daw sila nagkikita.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa idea na 'yon dahil ibig sabihin ay hindi pa ulit sila nagkakausap at mukhang hindi na nga natuloy ang pag amin ni Coleen.

Well, this is the perfect time to take advantage of the situation. Perfect timing din para ako naman ang umamin Gabb at sabihin kung ano ba ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Nang tuluyan ng umalis ang Prof namin ay agad kong inayos ang mga gamit ko at tumayo. Palabas na sana ako ng classroom pero napahinto ako at napalingon kay Miho nang magsalita ito.

"Saan ka, Amy?" Nakatayo na rin ito sa tapat ng kaniyang upuan habang mainam na nakatingin sa akin.

"Sa auditorium. Imi-meet ko si Gabb." Seryoso kong sagot. Naglakad ito papalapit sa dereksyon ko at binigyan ako ng malungkot na ngiti.

Pagkatapos kasi nung nangyari sa aming magkakaibigan last time, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin 'yon napag uusapan. Araw araw pa rin naman kaming magkakasama pero halos hindi na namin ramdam ang presensya ng bawat isa. Kahit si Yzabel ay dalawang araw na yatang hindi sumasabay sa amin tuwing lunch dahil malamang sa malamang ay nagtatampo rin ito at may sama rin ng loob sa akin.

"Sorry sa nangyari nung nakaraan." She sincerely uttered and tapped my shoulder. Seryoso ko lang itong tinignan at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Hindi naman talaga ako tutol sa desisyon mo. Ayoko ring ma-feel mo na dini-disregard namin 'yung nararamdaman mo. We are your friends, Amy at suportado ka namin sa lahat ng gusto mo. Kung ano man 'yung nasabi ni Yzabel that time, it was just her opinion. Kilala mo naman 'yon." Then she chuckled. Nakatitig pa rin ako sa kaniya at mukhang hindi pa siya tapos kaya nanatili akong tahimik.

"Saka for sure, na-realize na niya 'yung mga nasabi niya sa'yo. Magsosorry din 'yon. And believe me..." Huminto ito saglit at mas lumawak ang kaniyang mga ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love You Out Loud (UniCocoTyang) Where stories live. Discover now