Chapter 16: Sierra

39 9 28
                                    

"How are you Honey?"

Naabutan nito si Bella na  nakaupo sa sala, nakatayo naman sa gilid si Calix.

"Ayos lang ako. Hindi naman matindi ang sugat sa binti at braso ko."

"Nagpabaya kayo. Wala kayong alam!" Sigaw na baling nito kay Calix na nakayuko.

"Kahit naman papaano ginawa niya ang tungkulin niya, pinrotektahan  niya ako kagabi." Pagtatanggol niya sa lalaki.

"Pero paano nakapasok nag mga iyon, angdami nila. Milyon ang binabayad namin sa kanila tapos hindi nila ginagawa ang trabaho nila."

"I am apologizing Sir if we have breech in our duty." Mahinahong sagot sa galit na amo.

"May nahuli kayo?"

Umiling si Calix kaya mas nagliyab ang galit ni Henry.

Alam niyang magagalit ito pero kailangan niya munang maglihim.

Nilapitan niya ito at kinwelyuhan.

"Anong klaseng trabaho ang ginagawa niyo? Muntik nang madisgrasya ang fiancee ko. Ano kapag may nangyaring masama sorry lang ang sasabihin mo sa akin."

"Henry! Bakit mo sila pinapagalitan. Kung hindi dahil sa kanya wala ako ritong na kausap mo." Inis na sigaw ni Bella.

Galit na binitawan ni Henry ang kweoyo ng lalaki saka nilapitan si Bella.

"Pasensiya na Hon." Saad nito saka siya inakbayan.

Pasimpleng nilingon ni Bella si Calix na nakatingin din sa kanila. Walang emosyon ang mukha nito. Nginitian siya ng dalaga saka nagbawi ng tingin.

"Sasamahan kita rito hanggang matapos ang bakasyon mo." Utal ni Henry na kinadismaya ng dalaga.

"Okay na ako baka may gagawin ka pang importante." Sagot niya.

"Ayokong may mamguari ulit sa iyo rito. Nagpahigpit na ako sa security.  Nadouble ang bodyguard sa isla."

"Isa pa mas importante ka kaysa sa mga kahit anong gagawin ko. Ayokong mawala ang magiging asawa ko." Anito saka hinalikan ang pisngi ng dalaga.

Madilim ang mukha ni Calix na nakatingin sa dalawa. Parang binibiyak ang puso sa nakikita kaya nagpasya siyang lumabas na muna. Nakasalubong niya si Sierra kasama ang isang bodyguard ni Henry. 'Yung bodyguard na kasama nila sa kotse.

Iniwan ito ng bodyguard nang lumapit si Sierra sa kanya.

"Hai!" Nakangiting saad sa kanya ng babae. Tinanguan lang siya ni Axel.

"Meron na pala si Sir Henry."

"Kararating lang kanina."

"May hindi ba sila nagkaintindihan ni Ma'am Bella? Galit na galit kasi siya nang sabihin kong papunta si Sir Henry dito." Mausyosong saad niya.

"Hindi dapat nating pagchismisan ang buhay ng mga amo natin baka maaya masisante tayo." Malamigna wika niya. Ayaw niyang kausapin si Sierra pero baka sabihan siyang bastos. Isa pa kailangan niya ng kausap.

Maganda rin naman ito, napakasophistikada. Pero mas maganda a maalindog si Bella kompara rito. Parehas silang bilugana nag mukha, sa mata itim ang kulay ng mga mata ni Sierra kumpara kay Bela na kulay tsokolate, mas matangos ang ilong ni Bella at mas natural na pula ang kulay ng mga labi. Kapansin-pansin alagang retokd ang labi at ilong ni Sierra.

"Tama ka riyan." Saad niya na parang napahiya.

"Maganda si Ma'am Bella ano?" Makahulogang tanong nito kay Axel.

The HaplessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon