Napangiting pinagmamasdan ni Bella ang paalis na kotse ng ama at ni Henry papunta ang mga ito sa pagtitipon para sa kampanya. Isang linggo na mananatili ang ama sa bahay nina Henry.
Gusto siyang isama ni Henry pero tumanggi siya, nakipagtigasan siya sa lalaki kaya sumuko din ito sa huli. Tulad ng dati binantaan nanaman siya nito ukol sa relasyon daw nila ng bodyguard pero nagtaingang-kawali lang siya.
Agad siyang bumaba sa Dinning room.
"Ma'am ano po ang ihahain ko?" Magalang na tanong ng isang matandang katulong.
"Gusto ko ng hipon, bahala na kayo kung anong paraan niyo iluluto." Masiglang saad niya.
"Sige po Ma'am."
"Damihan niyo sabay-sabay tayong kakain." Saad niya na nagpangiti sa matanda. Bihira kasing gawin ni Bella ang sumabay sa kanila sa pagkain.
"Meron pa palang kabaitan sa kanya tulad ng kaniyang ina." Napangiting bulong ng matanda sa sarili saka pumunta sa kusina.
Pumunta na siya sa hardin at sumusunod sa kanya ang isa pang katulong dala ang tray na may lamang fresh orange juice at isang bowl ng fruit salad.
Dahan-dahan siyang umupo masakit parin kasi ang sugat niya na naghihilom na rin.
"Ma'am 'pag may iuutos ka pa tawagin niyo lang po kami."
Tumango lang ang dalaga.
Agad na bumalik katulong na may dalang pumpon ng pulang rosas.
"Ma'am may nagpapabigay daw po."
Kumunot ang noo ng dalaga at nawala ang ngiti sa labi dahil alam niyang si Henry nanaman ang nagibigay na mga iyon.
"Saan nanggaling?"
"Ma'am hindi alam ng katulong na nagbigay sa akin basta diniliver po."
Napaisip ang dalaga 'pag si Henry ang nagbibigay landakang pinapaalam niya na sa kanya ito galing.
Kinuha niya ito at may card na nakaipit sa mga bulaklak. Binuksan niya ito agad at nabasa ang pangalan ni Calix agad niyang sinenyasan ang katulong na okay na pwede na siyang umalis.
Bigla siyang napangiti at binalik ang atensiyon sa card.
Bella, My love
Pasensiya kana Mahal, hindi kita nakukumusta. May inaasikaso lang kasi ako pero babawi ako. Mamayang gabi alas-diyes ng gabi may makikita kang ilaw sa gubat sundan ko lang iyon.
Itago mo rin ito baka makita ng demonyo mong fiancee saktan ka pa niya.
Ingat ka palagi mahal ko.
Mahal na mahal kita.
Nagmamamahal sa iyo ng lubusan , Calix.
Meron pang pulang heart sa hulihan ng pangalan.
Niyakap ng dalaga ang mga bulaklak at binulsa ang tarheta.
"Mahal din kita Axel."
Pumunta siya sa kuwarto at nilagay niya sa vase ang mga bulaklak at inutos niya sa mga katulong na huwag iyon hahayaang matuyo. Inipit niya sa iaang libro ang tarhetta.
MALAPIT ng mag-alasdiyes ng gabi. Pinapatuyo niya ang buhok gusto niyang siguraduhin na maganda siya kapag nagkita sila ni Calix.
She even hum while staring at her reflection kasabay ng ngiting puno ng pag-ibig.
She choose a white theme for her outfit that night by choosing white plain sweater, white shorts and white above knee boots. And choose a red coat. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok at simpleng make-up ang pinahid sa mukha.
BINABASA MO ANG
The Hapless
RomanceIsabella Ellanheir was surrounded by bodguards, butlers, fashion designers, she even went to a prestigious school. Her exceptional beauty will pass to the standard needed for an international magazine cover, having a 36-24-36 body proportion, a p...