"Hindi nila ako masisindak. Ang angkan namin ang pinakamakapangyarihan, mauubos lang sila kapag nagkataon." Natatawang saad ni Henry habang tinitignan ang patay na katawan ng tauhan at ang pulang watawat.
"Pero sila ang may hawak sa armory." Paalala ng Don.
"Huwag kang mag-alala Don Alfonso. Maraming contact ang Papa sa mga Russians, de-kalibreng baril ang binebenta nila."
"Ayokong isipin ang walang kwentang bagay na iyan. Gusto kong asikasuhin ang kasal bamin ni Bella. Matagal na akong naghihintay nasa tamang panahon na siguro Don Alfonso."
"Oo Henry, pakakasal kayo ni Isabella. Huwag kang mag-alala susunod iyon sa mga gusto ko."
"Mabuti naman nakinig siya sa iyo."
"Makikinig iyon lalo na at gustong makita ang ina." Taas noong saad ng Don.
"Anong plano mo sa matandang iyon?" Tinutukoy niya ang ina ng dalaga.
"Hindi ko pa alam. Kokontrolin tulad ng anak niya." Nakangiting baling ng Don.
"Bueno wala na akong pakialam diyan. Ang mahalaga lang sa akin ay si Isabella, magpapakasal siya sa akin anuman ang mangyari."
Nagngitian ang dalawa.
Mas pinili ni Bella na maniwala sa ama nang ipakita nito ang larawan ng ina. Nasa isang kuwarto ito. Sa isang tingin pa lang alam niyang ito nga ang ina, medyo tumanda pero pansin parin ang pagkalahawig nila.
Napaluha pa ito nang makita iyon.
Flashback
"Why did you lie to me?" Mapait niyang tanong.
"Dahil wala namang silbi kapag sinabi ko sa iyo. Gagawa iyon nang paraan para ilayo ka niya sa akin."
"Napakasama mo pala. Makasarili ka."
Sinampal ulit siya ng ama pero hindi siya natinag. Sanay na sanay na ang katawan niya sa mga pagmamalupit nila.
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan tandaan mo hindi ka nabuhay nang marangya kung hindi sa akin. Hindi ka sana nabubuhay sa mundong ito kung hindi dahil sa akin."
"Hindi kailanman ako magpapaslamat dahil pinagbabayaran ko lahat-lahat. Ginawa niyon impyerno ang buhay ko." Sigaw niya.
Muli siyang binigyan ng mag-asawang sampal ng ama.
"Too much secrets." Malungkot na bulong niya sa sarili.
Nakatanaw siya sa naglalakihang puno at nakakaramdam parin siya nang kirot sa tuwing maalala niya si Axel. Bumalik na rin ang dati niyang katawan pero hindi ang kaniyang sigla. Pinili parin niyang ipagpatuloy ang buhay dahil sa ina. Gustong-gusto niya itong makita.
Pumasok siya sa kuwarto nang marinig ang katok.
Iniluwa nang pinto si Henry. Nakangiti ito sa kanya.
"Kumusta ang napakaganda kong asawa."
Nilapitan niya ito at hinaplos ang mukha ng dalaga. Hinalika niya ang labi nito pero parang humahalik siya sa yelo dahil hindi tumutugon ang dalaga.
Ngumiti lang si Henry at may nilabas sa bulsa.
Lumaki ang mga mata nito at nagsimulang umatras.
"Ano 'yan." Natatakot niyang tanong.
"Huwang kang mag-alala mahal, tutulungan ka nitong magrelax." Ngising tugon nito.
"Hindi ayoko. Ayoko." Naiiyak niyang saad.
"Wala kang magagawa Bella. Napakailap mo kasi sa akin."
Umiyak man si Bella wala rin siyang magagawa nang papasukin niya ang tatlong lalaki at hinawakan nang mga ito ang braso para hindi pumalag.
Binitawan lang siya nang mga ito nang mainject ni Henry ang likidong laman ng injection.
Sinenyasan niya ang mga tauhan at lumabas sa silid na iyon.
Nilock niya ang pinto at nilapitan ang umiiyak na dalaga. Nakahiga ito nang patagilid sa kama.
"Hindi nakakamatay iyon. Ampethamin lang iyon dadalhin ka sa langit." Natatawa niyang saad.
Sumampa ito sa kama at hinawi ang buhok ng dalaga na tumatakip sa mukha.
Ilang minuto pa'y umepekto ang gamot at tumigil ang dalaga sa pag-iyak naging clingy, masalita at hindi makontrol ang pagtawa. Pilit niyang nilalabanan ang epekto nang droga sa katawan ngunit katawan mismo niya ang gumagalaw.
"Masaya akong nakikita kang ganyan mahal, kung ganyan parati wala tayong magiging problema." Nakangising saad nito.
Hindi makapalag ang dalaga kahit hinihipuan siya nang lalaki hinahalikan siya sa iba't-ibang parte nang katawan. Hindi niya maipaliwag ang ligaya na dulot nang mga iyon. He even laugh when he beats and choke her.
Umiiyak ito habang nakababad sa shower at pilit pinupunsan ang mga marka ng labi ni Henry sa katawan, pasalamat siya at hindi siya ginagahasa nito, she maintain her virginity. She is not crying because of the pain she got from the her bruises, umiiyak din siya dahil nandidiri na siya sa katawan pakiramdam niya napakababa niyang klase ng babae dahil sa pinaggagawa ni Henry sa kanya.
KUNOT-noong sinaksak ni Maximus ang flash drive sa computer. Nakita iyon ni Ephraim sa bulsa ni Axel. Kailangan nilang ipaayos dahil basa ito at hindi gumagana.
"Anong laman?" Takang tanong ni Andrea saka pumwesto salikuran ng kapatid.
"Iisang video." Maikling saad ng lalaki saka binuksan ang file.
Nilapit ni Andrea ang mukha sa screen nang si Axel ang nasa video. Madilim ang paligid nito at lingon ito ng lingon na animo'y may tinitignan sa paligid.
"Ate, Maximus. Masama ang kutob ko rito pakiramdam ko parang may mangyayari, siguradong hindi na ako makakalabas dito nang buhay. Nakalkal ko ang ibang files na nadito sa mansiyon, sasabihin ko nalang kapag nakauwi pa ako. Kung hindi man ako makabalik mangako kayo, ililigtas niyo si Bella rito. Bilang kapatid ko mangako kayo alang-alang manlang sa akin bilang huling kahilingan. Alagaan niyo siya tulad nang kung paano niyo ako pahalagahan. Iyon lang may sumusunod na sa akin, mahal na mahal ko kayo mga kapatid ko." Kumindat ito bago bago tinapos ang mensahe.
Sarkastikong tumawa si Maximus, habang sinusuklay ang buhok gamit ang daliri dahil sa inis. Tumaas din ang kilay ni Andrea.
"Stupido ka Axel, gusto pa niyang protektahan natin siya.
Ritardato mentale." Moron"Ani pa nga ba ang aasahan ko mahal niya ang babaeng iyon." Nakaismid niyang saad.
"Anong plano mo Maximus?"
"Hindi. Ayaw kong ampunin nag babaeng iyon. Ipapaalala lang niya ang mapait na pinagdaanan ni Axel." Namumuhi niyang saad.
"Ngunit iyon ang huling kahilingan ni Axel."
"But that woman killed the half of me." Sigaw ng binata.
"Sabihin na nating ganyan nga, pero kahit sa huling pagkakataon man lang tuparin natin nag kaniyang kahilingan. Walang masama roon."
"Isa pa gawin natin siyang bihag para makapaghiganti kay Don Alfonso at Henry. Ama at fiancee niya ito gagawa iyon nang paraan para ibalik ang babaeng iyon."
Tumahimik si Maximus at napaisip sa sinabi ng kapatid.
"Then let's bring here that Puttana." Bitch
"I agreed to bring her here, but I cannot promise to treat her asma queen as Axel wanted to." Baling nito sa kapatid.
Tinignan siya ni Andrea.
"Isabella, hell is waiting for you. Kung princessa ka sa mansiyon na iyan, hindi ako papayag na hindi mo pagbayaran lahat-lahat nang pinagdaanan ng kapatid ko."
BINABASA MO ANG
The Hapless
RomanceIsabella Ellanheir was surrounded by bodguards, butlers, fashion designers, she even went to a prestigious school. Her exceptional beauty will pass to the standard needed for an international magazine cover, having a 36-24-36 body proportion, a p...