Enjoy na enjoy si Bella sa pagkain ng order niya. Habang si Calix aliw na aliw siyang panuorin na kumain.
"Parang hindi na ako makatayo nito." Saad niya habamg hinihimas ang tiyan.
"Huwag kang mag-alala Ma'am meron namna kaming bodyguard bubuhatin ka namin." Biro niya ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay.
Liningon ni Bella ang ferris wheel na malapit sa kanila.
"Gusto kong itry 'yung." Sabay nguso sa ferris wheel.
"Sige Ma'am puntahan natin."
"Natry mo na 'yun?"
"Oo noong teenager pa ako dito kami umeeskapo."
"Owww I see."
Kasalukuyan silang nagkwekwentuhan nang mamataan sila ng isang babae at pilit kinikilala si Bella. She smirked when she recognized her and decided to go near to them.
"Wait here, I just needed to talk to a common friend." Paalam nito sa kasama.
"Hi there Isabella."
Napalingon ang dalawa sa kanya. At agad na rumehistro ang inis sa mukha ni Bella. Kung kanina'y masigla ang expresyon ng mukha ngayon ay napakalamig, blanko ang expresyon ng mga mata niya.
Napansin agad ni Calix ang kakaibang aura ng dalaga sa babaeng lumapit sa kanila kaya agad siyang tumayo.
"O, bakit ka tumayo Ginoo?" Natatawang tanong ng babae.
"Let's go." Akmang tatayo si Bella pero hinila ng babae ang palad nito kaya napaupo rin agad.
"Ma'am?"
She gave him "just stay there look".
"Aalis na kayo, ganyan mo na sasalubungin ang isang common friend Isabella?" Nanguuyam na saad nito.
"Anong kailangan mo?" Malamig niyang sagot.
"Kinumusta ka."
"Ayos lang naman ako, so ano okay na aalis na kami."
"Ang taray mo parin a. Yumabang ka na rin dahil ba naging fiancee mo na si Henry?"
Napatid ang pagtitimpi ni Bella pakgkarinig niya sa inusal ng babae.
"Bakit hanggang ngayon ba bitter ka parin Helga?" Nakangising sagot ng dalaga.
"Ano ba kasi ang nakain mo dati aayaw-ayaw ka pero sa huli papayag ka palang maging fiancee niya. Pakipot." May bahid na diin ang bawat salitang binibitawan.
"Lahat naman nagbabago hindi ba? Pero kung gusto mong maging kabit okay lang kahit ba lahat ng oras niya sa iyo."
"Iba ka talaga Isabella ginawa mo pa akong kabit. Hindi ang gaya ko lamang ang gagawin mong kabit. Ganito nalang bakit hindi natin baliktarin, kabit ka tapos ako ang original."
"Sige payag ako kausapin mo si Henry at si Papa. Iyan lang pala ang dahilan kung bakit mo ako nilapitan. Walang kwenta!"
Medyo nainis si Helga sa sinabi nito pero hindi siya papayag na hindi bwisitin ang dalaga.
"Diba, don't you know we're fucking each other behind you back. Sabi niya nag aala Maria Clara ka raw kasi. Tingin tingin din Isabella baka sa sobrang pakipot mo mawala sa iyo si Henry."
"Ah! Iyan pala ang gusto mo bastusan, edi! sige akala mo papatalo ako sa iyo." Matapang na saad ni Bella sa sarili.
"Paalisin mo lahat ng tao sa paligid namin Calix, lahat!" Utos nito.
Tumalima agad si Calix, isa-isa nilang kinausap lahat ng tao sinabihang kaiangan nilang umalis sa lugar na iyon, pati mga stalls na nakapaligid sa kanila pinaalis niya. Kahit man naiinis at nagtataka ang mga ito wala silang nagawa kundi sundin ang utos ni Calix.
"Bakit mo sila pinaalis?, alam ko na ayaw mong may makarinig sa pinaguusapan natin dahil ayaw mong madungisan ang pangalan mo. Ganyan ka naman diba mula noong highschool tayo pabida ka."
Hindi niya pinansin ang sinasabi ng kausap nakatutok ang pansin niya sa mga bodyguard.
Pagkatapos lumayo ang mga tao. Lumapit si Calix sa kanila.
"Alam mo ang husay mong pumili ng bodyguard. Ang guwapo." Saad ni Helga sabay kindat kay Calix pero hindi siya pinansin ng huli.
"Grabe! Iba talaga ang level ng kalandian mo. Huwag mong idamay ang mga bodyguard ko diyan dahil hindi ka naman nila papatulan." Panlalait niya.
"Hindi nga. Mas may appeal naman ako sa iyo. Impossible, ang kahinaan ng lalaki ang init na dulot ng isang babae Bella."
Bumuntong-hininga si Bella, naiinis na siya sa pinagsasabi ng babae. Si Calix din gusto na niyang yayain ang amo umuwi keysa makipag-usap sa walang kwentang tao.
"Ayoko nang makipag-usap sa iyo kung gusto mo tawagan mo si Henry para kayo na ang mag- usap. Magkakulay naman kayo."
Tumayo na si Bella, nakailang hakbang pa siya'y may pahabol pa ang babae.
"Kawawa ka naman Bella walang nagmamahal sa iyo, lahat nalang niloloko ka. Simula sa puppy love mong 5 years, wala ka na ngang nanay hindi ka pa mahal na Papa mo."
Mabilis na humarap si Bella rito at hinampas ang hawak na shoulder bag sa mukha ng babae kaya natumba. Naalerto lahat ng bodyguard niya may lumapit ding mga limang lalaki sa kanila.
"Walang-hiya kang babae ka." Sinisikap niyang tumayo kahit ramdam niya ang hapdi ng mukha dulot ng lakas ng paghampas ni Bella sa kanya.
"Anong tinatayo-tayo niyo riyan. Tulungan nuyo akong tumayo mga walang kwenta." Sigaw niya sa mg lalaking lumapit sa kanila. Agad naman siyang inalalayan ng mga ito.
"Don't you dare talk to me like that. Nagtitimpi ako kanina pa, minsan kilalanin ko ang binabangga mo ha! Hindi porke nakasipsip ka ng pera gamit iyang katawan mo magmamagaling ka." Sigaw niya rito.
"Bawiin mo ang sinabi mo Isabella." Galit na rin nitong sigaw.
Ngunit imbes na sagutin tinalikuran niya ito.
Inagaw ni Helga ang baril ng isa niyang bodyguard at tinutok sa kanya.
Lahat ng bodyguards ng dalaga sabay-sabay nilang nilabas ang baril at tinutok kay Helga, ganoon din ang ginawa ng mga bodyguards ng huli.
"What a woman!" Calix exclaimed. Inaaral pa niya ang sitwasyion hindi sila pwedeng magpaputok ng baril kasi nasa front line si Bella. Isa pa lahat ng baril ng bodyguard ni Helga kay Bella nakatutok.
"Bawiin mo kundi ipuputok ko 'to. Bawiin mo Bella." Anito habang papalapit sa dalaga
"No." Madiin niyang sabi pagkatapos harapin si Helga.
Pumunta sa harap ni Bella si Calix. Para harangan si Helga sa paglapit dito.
"Huwag kang magpakabayani, umalis ka diyan. Bakit lahat kayo pinapahalagahan iyan."
"Ma'am diyan lang kayo sa likuran ko." Matatag sa bulong niya sa amo.
Nang malapit na si Helga kay Calix agad niyang hinawakan ang dulo ng baril iniba ang direksiyon para hindi siya matamaan o Bella pag kinalabit ng babae ang gatilyo ng baril. Wala pang isang minuto nakatutok na sa leeg ni Helga ang baril at ang isang kamay nito ay nakapulopot sa leeg ng babae.
"What's happening here!"
BINABASA MO ANG
The Hapless
RomanceIsabella Ellanheir was surrounded by bodguards, butlers, fashion designers, she even went to a prestigious school. Her exceptional beauty will pass to the standard needed for an international magazine cover, having a 36-24-36 body proportion, a p...