CHAPTER 2 - Accompony

84 9 9
                                    

Nakauwi na ako galing school at hanggang ngayon naalala ko ang nakita ko kanina, ano yun? yun ba yung mapapa ngasawa nya? sya ba ung babaeng mahal ni sean? pero bakit ganito nararamdaman ko hindi ko maintindihan nararamdaman ko, kumikirot ang dibdib ko tuwing naalala ko ang nakita ko kanina.

dapat masaya ako kasi finally Sean found the one for him. The women he will love forever. the truth is I don't believe in forever, Pero lintik ka self ano bang nangyayari sayo be happy for him his your best friend diba yan naman gusto mo ang magtino sya

bumalik ako sa katinuan nang dumating si papa, naghanda na ako sa lamesa ng kakainin para sabay sabay kami kumain.

tinitigan ako ni papa na may parang nararamdaman na kakaiba sa akin, ganya lagi si papa alam nya kung may mali sakin o wala "okay ka lang ba?" napatingin ako kay papa at tipid na ngumiti

"okay lang po ako papa" pagsisinungaling ko ang totoo iniisip ko parin kung bakit ganito ang nararamdaman ko na dapat masaya dapat ako.

"si sean ba?" bahagya akong nagulat, alam na ba ni papa yung kay sean? pero gusto ko nalang iwasan pagusapan si sean

"wala po pa" ngumiti nalang ako kay papa ng tipid. gusto ko laging nagsasarili ng problema dahil ayokong mag isip pa si papa

"kain na po tayo " nagsalo salo kami ng hapunan mas gusto ko lagi ang sabay sabay kumain dahil paminsan hindi kami nagsasabay sabay dahil gabi na umuuwi si papa o kaya naman ako yung ang gabi umuwi dahil gusto ni sean lagi gumala

"ako na po dito pa, umakyat na po kayo ni totoy pahinga na po kayo" sabi ko kay papa bago yumakap sa kanya. kakatapos lang namin kumain, ayaw na ayaw ni papa na natutulog kaming madumi ang bahay kaya nasanay na akong mag linis ng bahay palagi

naghugas ako ng pinggan at naglinis ng lamesa, chineck ko ang bintana at ang mga pinto kung naka lock na pagkatapos kong mag check pinatay ko na ang ilaw at umakyat sa kwarto para mag review ng konti at mag plansta ng uniform namin nila papa at totoy

nagseasearch ako sa internet ng murang flying school para sa training ko dahil malapit na kaming grumaduate, tourism ang course ko, since I was a child I always wanted to be flight attendant kaya kahit mahal ang course ko kinakaya ni papa kasi doon daw ako masaya at yun yung gusto ko. Kaya ang pangako kay papa na ako na magpapa aral sa kapatid ko pag katpos kong mag aral para nasa bahay nalang sya at nagpapahinga.

kaya porsigido akong mag aral at wala sa isip ko ang mga relasyon na kadalasan na gustong gusto ng mga kabataan ngayon pero para sakin mas mahalaga ang pamilya ko kesa magtuon nang pag mamahal sa iba dahil hindi ko kayang magmahal ng iba bukod sa pamilya ko

siguro dahil narin sa nangyari kay mama at papa hindi na ako naniniwala sa true love at forever, lalo na sa kasal.

tapos na akong mag review at nine thirty na nang gabi pinatay ko na nang ilaw ko sa kwarto at natulog, pero pagkapikit ko naalala ko nanaman si sean at ung babaeng kasama nya. ano ba seoun tama na ang pagiisip hayaan mo na si sean. bakit ayaw nya na akong kausapin hindi naman ako magagalit ipaliwanag nya lang bakit ang bilis ni hindi ko nga alam na may girl friend sya.

nagising ako ng five thirty ulit at nagsimula nang magluto ng pagkain, pagtapos kong magluto ginising ko na sila papa para mag amusal na kami.

"anak iniimbitahan tayo ng papa ni sean, iaanounce daw ang engagement ni sean at ng fiance nya, alam mo ba ang tungkl don?" napatunganga ako. so totoo nga ikakasal na sya alam na rin papa siguro alam na rin ni papa ang problema ko kagabi

"opo pa narinig ko na po, attend po kayo nakakahiya po sa papa ni sean kung hindi kayo pupunta" tipid akong ngumiti kay papa, ang hirap ngumiti ng peke sa harap ni papa dahil alam nya ang tunay kong ngiti

Never Been HIS EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon