Chapter 42: Zia

13.9K 346 46
                                    

Zia

Namataan ko si Rico na may kausap sa cellphone nya habang naka-sandal sa pintuan ng kotse. Huminga ako ng malalim at tinuyo ang mga luha sa mata ko bago ako nag lakad palapit sa kanya. Napatingin sya sa akin at nag paalam sa kausap saka humarap sa akin ng nakangiti.

“Are you okay now?” Tanong nya ng makalapit ako. Inilagay nya ang konting buhok ko sa gilid ng tenga ko.

Tumango ako at ngumiti. “You know what, medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil ngayon alam kong makaka move forward na ako.”

Ngumiti sya. “I’m happy for you.”

“Thank you.”

Lumapit sya at niyakap ako at hinimas ang buhok ko. Alam kong walang malisya ang ginawa nya dahil matagal ko ng napatunayan na wala syang gusto sa akin ng hihigit sa isang kaibigan, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nag seselos sa kanya si Yuan dati. Yumakap ako sa bewang nya at inilagay ang pisngi ko sa dibdib nya. Saglit kaming ganoon ang posisyon ng mag yaya na syang umalis kami.

Hinatid ako ni Rico sa bahay at doon ay ginawa ko ang  mga dapat kong gawin para sa susunod naming project sa council at kung kanina ay nag hihinagpis ako sa lungkot ngayon naman ay stress ang bumabalot sa akin dahil kinapos ang budget namin para sa talent fee ng bandang kinuha namin para mag perform sa concert. Kakatawag lang ng event organizer sa akin at yun ang nag papasakit sa ulo ko ngayon.

Pabalik-balik ako ng lakad sa tapat ng kama ko ng maisipan kong tawagan si Meg dahil kung hindi makakasipot ang bandang kinontrata namin ay baka pwede sila Meg, tutal naman ay sikat din sila at mas makakamura kami sa bayad dahil mag kaibigan kaming dalawa.  Umupo ako sa kama habang hinihintay na sagutin ni Meg ang kabilang linya.

“Hello?” Bungad nya.

“Hello, Meg, are guys busy?”

“Huh?”

“I mean yung banda nyo?” Tukoy ko. “Busy ba kayo ngayon?”

“Hindi naman, kakatapos lang kasi series of gigs namin last week kaya rest week namin ngayon.”

Napatayo ako sa pag kakaupo at malawak na ngumiti. Biglang nawala ang badtrip at stress ko sa sinabi nya. “Meg, can I ask you a favor?”

“Ahhh, what kind of favor ba?”

Sinabi ko sa kanya ang problema ko at nakahinga ako ng maluwag ng pumayag sya na mag perform sa mini concert na gagawin sa foundation para sa mga bata. Saglit pa kaming nag usap tungkol sa details ng concerts at kung kelan gaganapin yun bago kami nag paalam sa isat-isa.

Pag katapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay naligo ako at nag palit ng pantulog para mag pahinga na. Ang daming kong ginawa ngayon araw na ito at deserved ko naman ang isang peaceful na pahinga.

Isang linggo na sobrang busy ko dahil sa concert na gagawin. Halos hindi ko na namalayan kung kailan ko huling inisip si Yuan, dahil simula ng mag paalam ako sa puntod nya ay bihira ko nalang syang maisip. Mas mabuti na rin nga siguro ang ganun dahil kahit ano pang gawin ko ay hindi na sya babalik at alam kong mag gusto nya na mabuhay ako ng masaya kahit wala na sya.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon