Chapter 44: Mahabang panaginip

15.4K 354 40
                                    

Zia

 

Nagising ako at nag takip ng braso sa mata ng masilaw ako sa sinag ng araw. Hinagilap din ng kamay ko ang mahabang unan sa kama para yakapin pero hindi yun nakapa ng mga kamay ko kaya saglit akong nag mulat dahil hindi ako sanay ng walang niyayakap na unan.Bahagyang napakunoot ako sa pag tataka dahil kulay puting bed sheet ang nakikita ko [ati ang kulay ng kwarto ay puti rin. Sobrang linis ng kwarto kagaya ng kwarto ko pero sigurado akong hindi ko ito kwarto. Well, pink ang kwarto ko kaya sigurado ako.

“Where am I?”

Umupo ako sa kama at hinawi ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko. Napasarap ang tulog ko kagabi kaya hindi ko matandaan kung paano ako napunta sa kwarto na ito. Tumayo ako at inayos ang higaan bago ko nilibot ang buong kwarto. Nag taka ako ng makita ko ang picture ni Mico sa isang frame sa side table at kinuha yun.

Anong ginagawa ko sa kwarto ni Mico?

Hindi ko matandaan na mag kasama kami kagabi. Biglang kong naalala ang panaginip ko kagabi na kasama ko si Yuan. Nag halikan daw kami at nagalit sya sa akin kasi nakipag halikan at yakapan ako kay Yohan. Ngumiti ako ng mapakla. Sabi ko nangaba at panaginip lang ang lahat.

“Yuan was only just a dream…” Bulong ko.

Nagulat ako ng may kumuha ng picture frame at binalik yun sa side table. Napalingon ako at hindi nakapag salita, sa halip ay nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag takip ko ng bibig gamit ang aking kamay para hindi ako mapanganga. Nakatingin sya sa akin pero wala akong makitang emosyon doon, kahit ang mukha nya ay blanko rin. This can’t true. Panaginip na naman ba ito?

Bahagya syang humakbang ng paatras. “Bakit hawak mo ang picture ni Mico?” Dumilim ang mukha nya. “May gusto kaba sa kanya?”

Hindi ako agad nakasagot dahil patuloy lang akong tumitig sa mukha nya at pinag aralan yun. May maliit ng tumutubong balbas sa bandang baba ng parte ng mukha nya, pumayat din sya ng kaunti pero over all ay ganun pa rin naman sya kagaya ng huli ko syang nakita. Mukhang anghel pa rin sa kagwapuhan.

“Four monthns lang tayong hindi nag kita hindi kana pala marunong mag salita ngayon?”  

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Alam kong panaginip lang ito pero bakit ang sungit nya. Hindi ba dapat ay nakangiti lang sya dahil nga natutuwa sya na mag kasama kami pero, sa nakikita ko ay parang galit pa sya.

Inalis ko kamay sa bibig ko at pinagalaw yun sa ere kasabay sa pag sasalita ko. “Ano…ano kasi hindi ko alam kung bakit kinuha ko yun picture eh.”

Ngumiti sya ng pagak. “Naging mapurol na rin pala ang utak mo, siguro ay dahil narin sa kakasama mo sa taong gigolo.”

Okay. That’s it. I can no longer take this. Nag papatig talaga ang tenga ko kapag intelligence ko na ang pinag uusapan. Kahit panaginip ito ay hindi ko na maatim ang pag sinasabi nya. Nakakainit ng ulo ang mga naririnig ko.  “Ano bang problema mo?” Tanong ko. “Saka kung makapag salita ka akala mo naman ang talino mo.” Bahagya akong lumapit. “Alam kong panaginip ka lang pero kung akala mo na uurungan kita. Nag kakamali ka at sinong gigolo bang pinag sasabi mo?”

Secret loversWo Geschichten leben. Entdecke jetzt