Chapter 25: Dalawa tayo

22.8K 417 40
                                    

Zia 

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Yuan sa akin. Nilingon ko sya, nakita kong tulog na tulog pa rin sya. Ang pogi talaga ng mokong. Tumingin ako sa relo, nanlaki ang mga mata ko ng makitang 7:30am na.  May pasok ako ng 8:00am, kaya kung kikilos ako ng mabilis aabot pa ako, tutal ay malapit lang naman ang  condo ni Yuan sa school. Bakit naman kasi pumayag ako sa kapritso ng lalaking ‘to. Hindi nya ako pinatulog hanggang 4am, kaya ngayon bangag ako at late papasok.

“Yuan, Bitawan mo nga ako! ma-lelate na ako!” Maktol ko saka inalis yung kamay nya sa bewang ko, pero lalo nyang ako hinapit palapit. Nakakainis talaga ang lalakit ‘to.

“Wag na tayong pumasok.”

“Ano kaba! Hindi na nga tayo pumasok kahapon tapos hindi rin tayo papasok ngayon? Hindi pwede! Bumangon kana dyan!” Sigaw ko saka pinukpok ang ulo nya. Nalukot ang mukha nya at bumitaw ng yakap sa akin.

“Zia, masakit ah! Eto na babangon na po!” Napipilitan nyang tugon saka tumayo at nag suot ng short. Isa sa mga gusto ko kay Yuan. Hindi sya burlesque king. Nag suot din ako ng damit bago tumayo saka tumakbo papuntang banyo.

“What do you want to eat?” Sigaw nya sa kusina habang naliligo ako.

“Omelet and fried rice!” Sigaw ko rin saka nag madaling maligo at mag bihis. Kagabi pag katapos ng first round namin ni Yuan, inutusan ko syang labahan ang uniform ko bago kami mag patuloy, kaya may uniform ako ngayon. Lumabas ako ng banyo at nag patuyo ako ng buhok. Napalingon ako ng makita si Yuan sa pintuan.

“Food is ready.” Anunsyo nya.

“Sunod na ako. Wait, what time klase mo?” Tanong ko habang nakaharap sa salamin at nag lalagay ng powder sa mukha. Nagulat ako ng yakapin nya ako mula sa likod. Ang bango pa rin nya kahit hindi pa naliligo.

“Mamayapang 1pm ang pasok ko.” Sagot nya. Napapitlag ako ng halikan nya ang leeg ko. That’s his favorite part, I think.

“Yuan, let me go, late na ako!” Reklamo ko saka kumalas sa kanya at tumakbo sa dining area. Sumunod sya sa akin at sabay kaming kumain. Mabilis akong natapos saka nag toothbrush ulit.  Akmang lalabas ako ng pintuan ng hatakin nya ako.

“Ihahatid na kita.” Wika nya.

“Okay, let’s go na, late na ako.” Taranta kong sagot. Kawak kamay kaming lumabas ng unit at dumiretso sa parking lot. Nag papasalamat nalang ako na hindi traffic, kaya madali kaming nakarating ng school. Palabas na ako ng sasakyan ng hatakin na naman nya ako.

“Ano na naman?!” Singhal ko. Kailangan ko pa kasing tumakbo para makarating ako sa classroom ko, tapos itong si Yuan naman panay ang pigil sa akin. Nakakainis lang.

“Kiss ko?”

“Arghhhh! I hate you!” Asik ko saka sya binigyan ng halik sa labi.

“Okay, ingat sa klase. See you later.” Nakangiti nyang wika sa saka ako pinakawalan. Pag labas ko ng sasakyan ay agad akong tumakbo. Nakatingin ang mga studyante sa akin. Alam kong hindi pa rin nila nakakalimutan ang nangyaring kahapon, pero wala akong pakialam sa iisipin nila, ang mahalaga sa akin ngayon, ang makapasok sa klase ko.

Secret loversWhere stories live. Discover now