Chapter 38: My Yuan

19.7K 417 40
                                    

Zia

Mag kahawak  kamay kaming pumunta sa court dito sa loob ng school para sa practice game nila. Tumingin pa ako sa mukha nyang nakasimangot na naman ng lumapit si Rico sa amin. Humigpit din ang hawak nya sa kamay ko. Umiling nalang ako. Napakaseloso ng loko, pero hindi naman ako nag rereklamo dahil kinikilig ako sa tuwing ipinaparamdaman nya sa akin na ayaw nya akong mawala.

Ang sarap kaya ng feeling, ewan ko ba, feel na feel ko kasi ang haba ng hair ko.

Ngumiti si Rico sa amin. “Hey sweet couple,” saka ako kinindatan. Natawa lang ako ng hawakaan ni Yuan ang Jersey Shirt ni Rico. Yun kasi ang sinabi ko sa kanya kanina. Na sobrang nag seselos si Yuan kaya mas lalo nya raw pag seselosin.

Tawa ng tawa si Rico habang panay naman ang mura ni Yuan sa kanya kaya lumapit na ako para kuhain ang fiancé ko dahil baka sa infirmary na dahlin si Rico.

“Yuan, ano ka ba?” Kinuha ko ang braso nya at yumakap sa bewang nya.”Pinag titripan ka lang nyang si Rico.”

“Love, nakita mo ba yung ginawa nya?”Tumingin pa sya sa akin. “kinindatan ka!” Inambahan nya si Rico na tawa ng tawa.

Hay nako talaga, nag selos na ata talaga ang loko. Baliw din kasi si Rico eh.

Tinaas ni Rico ang dalawang kamay, “Ohhh! Easy! Nag bibiro lang ako,” sabay tapik sa braso ni Yuan, “Sige na bihis kana tol.”

“Tangina mo!” Sigaw Yuan na lalong nag palakas ng tawa ni Rico.

“Balik na ako sa court.”

Tumango lang ako ng tumingin sya sa akin. Napakunoot noo naman ako ng makita ko ang masamang tingin ni Yuan sa akin.

“Ano na naman?”

“May patango-tango ka pa huh?!”

Kinurot ko ang pisngi nya.“Seloso!” saka ko hinawakan ang kamay nya. “Let’s go, mag palit kana ng jersey baka hinahanap kana doon.”

Binigyan nya ako ng isang magaan na halik bago sya umalis at hinalikan ulit bago sya pumunta sa loob ng court. Naririnig ko pa nga ang bulong-bulungan ng mga babae, pero wala na akong pakialam, hindi ko na rin pwedeng sawayin si Yuan dahil ganun talaga sya, sweet sya kahit maraming tao at unti-unti na rin naman akong nasasanay.

“Go Yuan!”

“Gwapo mo Yuan!”

“Anakan mo ako Yuan!”

Sigawan nga mga nasa likod ko habang tawa sila ng tawa. Napataas kilay ako. Nakakainit ng dugo huh, hindi ba nila nakita na ako ng fiancé? Ang lakas ng loob na sabihin yun sa likod ko pa. Siguro kung palingkera akong babae ay kanina ko pa sila sinugod at pinag sasampal ang mukha. Don’t stoop down to their level Zia, just don’t. Sayang ang talino kung gagawin mo yun.

Secret loversWhere stories live. Discover now