CHAPTER 94 [I'm Tired]

21.4K 237 102
                                    

==Buhay ng Pangit===

 

Daniel's POV

"From now on, di na kita pababayaan..."

Daniel! Anong ginagawa mo?! Bakit mo ba ginagawang advantage ito para makuha si Kat, BAKLA KA BA?

"Huh?" Halatang nagulat si Kat sa sinabi ko...

"Ah... Wala! Wala! Sige..." Nataranta ako bigla, kasi naman kung anu-ano yung pinagsasabi ko. Daniel... Masyado ka namang ewan. Tandaan mo, temporary lang ito... At bestfriend ka lang niya, hanggang doon na lang yun.

"No... Daniel look at me" Napahinto ako ng bigla akong hawakan ni Katerine sa magkabilang pisngi ko.

"Daniel... Sorry..." Sabi niya habang nakayuko siya, umupo siya sa harapan ko sabay hinawakan niya ang dalawa kong kamay... Pinagdikit niya ito at...

"Lagi ka na lang nagiging kawawa sa love story na ito, bakit kaya ganun? Samantalang napakabait mong tao? Di kaya ginawa ni Lord na lahat ng bestfriends ay para lang sa ganun... Bakit bestfriend na lang ang laging kawawa..."

"Katerine... Kaya nga bestFRIEND, kasi nga hanggang pagkakaibigan lang :)" Mahinahon kong sabi sa kanya

"Yun lang ba talaga ang rason? Or talagang sadyang tanga lang ako" Diretsa niyang sagot sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka kong sagot sa kanya.

"Kasi di kita pinili"

Pakiramdam ko tumigil yung oras nun. Parang naging dalawa lang kami sa mundong ito... Pero hindi, mali ito. Alam kong wala na sila ni Jayson, pero di ko dapat ito ginagawa kahit gusto ko. Oo, inaamin ko, gusto ko ng kunin si Kat. Pero kaibigan ko si Jayson, kaso sinaktan niya ulit si Kat... Mali pa din! Maling mali ito.

"Katerine, huwag mo na akong gawing panakip butas. Mas lalo mo lang akong sinasaktan pag nagiging ganyan ka pa. Alam ko naman, na hindi ko mapapantayan si Jayson."

Daniel, this is your chance... Grab it... Grab the opportunity.

"Luuh, wala naman akong sinasabi, ikaw lang nagsasabi niyan -_- Nyaah~Puro kasi trouble yung inaabot ko dun sa lalaking yun"

"Pero hindi yun sapat na rason para maggive up ka sa relasyon niyo. Katerine, akala ko ba matalino ka?"

Napayakap siya sa akin pagkatapos kong magsalita... At naramdaman ko na umiyak nanaman siya, pero mahina lang.

"Napapagod din ako, Daniel"

Jazmin's POV

"Ahhhh!" 

"Jazmin!" Malakas na sigaw sa akin ni doc.Tinulungan niya kaagad akong makatayo.

"Ikaw naman kasi, sabi ko sayo, huwag mong binibigla yang katawan mo. Sige, enough for today, dyan ka muna ah, tinatawag na ako ni nurse A, kararating lang ng bago kong pasyente"-doc

"Okay!" with childish voice

Shit... Sa lahat, ito ang pinakamahirap, I mean, kinakaya ko naman yung therapy, pero ang pagpapanggap na may amnesia ako, yun ang mahirap. Ang hirap lalo na kapag kaharap mo mismo yung doctor, ang daming tinatanong... Sinasabi ko na lang masakit ang ulo ko.

Minsan, nakokonsensya na ako, lalo na pati sa magulang ko nakakapagsinungaling ako, pero kung ihihinto ko ito, mas lalong lalala ang sitwasyon.

Jazmin... You're stupid.

Buhay ng PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon