===Buhay ng Pangit===
Unang una sa lahat at syempre di papahuli, alam kong pangMMK itong sulat ko sayo kaya, magready ka na magbasa ng mahaba-haba :)
Aminado ako.....
At first, di talaga kita gusto....
Why?
Di ka kasi talaga ganun kaganda o kaattractive... Ayokong magsinungaling sayo na "Whoa! Ang ganda mo kaya, huwag mong isiping pangit ka" Nung una...
Ewan ko kung bakit....
Pero nagbago ang pagtingin ko sayo ng makilala kita ng lubusan....
Kasi, ikaw ang tipo na di masyadong pinahahalagahan ang panlabas na anyo, I mean, even nagkulang ka nga sa kagandahan, bumabawi ka naman sa ibang way, hindi mo hinahayaan ang sarili mo na bumaba, napaka-postive mo sa sarili mo, isa yun sa nagustuhan ko sayo :)
At ang bait mo, ikaw nga lang ata ang nakilala kong babae na kahit sobrang sikat ako, trinatrato mo pa rin akong normal, isang normal na kaibigan...
Then, suddenly, narealize ko na lang... Gusto na pala kita. I know, baka isipin mo niloloko kita. Kahit ako nga din nagtataka "Bakit?" Paano kita nagustuhan? Ang layo mo kasi sa type kong babae, pero nandyan na yan eh...
Later, naging magbestfriend tayo. Masaya na ako doon... Gusto lang naman kita, pero di kita mahal NOON.
Alam mo, sa tuwing napagkakamalan mo ako si Jayson, nasasaktan ako, ewan ko kung bakit, siguro kasi gusto ko, kilalanin mo kung sino ako, at malaman mo naman kung ako yung nasalikod mo. Ang kaso, may boyfriend ka na eh, at kaibigan ko pa at masaya ka sa kanya so hinayaan na lang kita, di ko na lang pinahahalata sayo na gusto kita.
Napaka-busy ko nung time na yun, pero pumapasok pa din ako sa school even nagagalit na si manager. Okay lang, sermon lang naman yun eh, nawawala yung pagod ko kapag nakikita kita. Ayy oo nga pala, araw-araw kang gumaganda ah :)
Ikaw ah, ewan ko ba. Ako lang ba ang nakakapansin na pumapayat ka ata? Hehehehehe ^_^ Mas gusto ko pa din ang matabang Kat :) Mas cute ka dun, and yung pimples mo, nawawala na :D
That's good :D
Kat! Baka isipin mong stalker ako ahh, sorry, ang sarap mo talagang pagmasdan :)
You know what, Sana sayo ko na lang talaga ibinigay yung love letter na ginawa ko para sa kaibigan mo, si Rica. Sana sayo na lang ako nagtapat... Para sa akin ka na lang... Naging tayo na lang :) Wala akong pake sa sasabihin ng mga tao, kasi ako na ang pinaka, ay hindi, SUPER PINAKA SWERTENG LALAKI SA MUNDO...
Alam kong di ka maniniwala na sasabihin ko sayo ito, pero ito talaga ang nakikita ko sayo...
Kat, ang ganda mo....
Ikaw na ata ang isa sa mga pinakamagandang babaeng nakilala ko bukod sa mama ko at sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Buhay ng Pangit
Teen FictionAng Diary na ito ay tungkol sa batang babae na hindi nabiyayaan ng masyadong kagandahan, pero sa diary niya na ito ipapakita kung ano nga ba ang pakiramdam na pagtawan, ma-bully at saktan, at paano niya nakakaya ang mga problema na ito at gamitin la...