Never missed a phone text (Parts 1 & 2)

42 4 0
                                    


Part 1


[Spg content. Be open-minded]

I was in 4th year college noong nangyare 'to. Isa akong working student back then, aral sa umaga, trabaho sa gabi. Umuupa ako ng kwarto which is murang-mura ang bayad. Almost 1 week palang ako doon, so far okay naman. Bukod kase sa murang upa na halos kalahati ang ibinaba kumpara sa mga boardinghouses malapit sa school, ay tahimik at wala akong ibang kasalo sa kwarto.

One night after work, sobrang pagod yung nararamdaman ko nun. Kaya pag-uwi ko palang, hinagis ko kaagad yung gamit ko sa sofa at ibinagsak ang aking katawan doon,habang ina-unbutton ang polo ko.Matapos nun kinapa ko ang aking cellphone para ichat ang gf kong si Maxine, para ipaalam na nakauwi na'ko. That was around 9pm. Di ko na inaantay na magreply sya dahil gusto ko na talaga magpahinga nun, besides hindi rin sya online.Nagpasya akong lumipat sa kwarto para makapaghinga na. Pero pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko nang may nakahiga doon sa kama. Nasapo ko ang aking dibdib dala ng matinding gulat. Tinitigan kong mabuti yung taong nakahiga, kahit medyo madilim sa kwarto ko ay sure ako sa pigurang yun. Nakatalikod sya sa akin. Kinabahan ako at first pero agad akong napangiti, parang nawala ang pagod ko nang aking mapagtanto na kilala ko ang babaeng nakahiga. Mahaba at itim na itim ang malulusog nyang buhok na nakasampay sa kanyang balikat. Wala syang suot na damit kaya kitang-kita ko ang kanyang makinis at maputing batok, balikat at likod. Ang kanyang ibabang katawan ay natatakpan ng kumot sa bandang bewang. "Maxine" tawag ko sakanya. "Bakit naman di mo sinabing nandito ka love?" Tanong ko saka lumakad palapit. "What time kapa dito love? Dito mo ba balak matulog? Ikaw talaga tinakot mo pa ako" medyo natatawa kong usal habang lumalapit sakanya. "Teka ano ba yan ha? Bakit wala kang damit love? Diko tatanggihan yan haha" umandar nanaman ang kapilyuhan ko sa utak. Nakasampa na ako sa aking kama at agad ko syang hinalikan sa balikat. Nagulat ako dahil ang lamig ng balat nya. Napakunot ang noo ko at saka ko sya tinapik. "Max? Love?" Tawag ko sakanya pero wala syang kibo, mukang tulog na tulog. Hindi ko naman makita ang mukha nya kase nakaharap sya sa pader at kahit silipin ko yun ay di ko rin makikita dahil bahagyang madilim.May kutob akong kakaiba pero naisip ko naman agad na hindi naman imposibleng makapasok si Maxine sa kwarto ko dahil may duplicate sya ng susi nitong inuupahan ko. Pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi nya sinabi sa'king dito sya matutulog. Sa kaiisip ko that night, hindi ko na namalayang nagising na si Maxine. Sa pangalwang pagkakataon ay nagulat nanaman ako dahil bigla syang bumangon at umupo. Medyo nainis pa ako dahil kanina nya pa ako nagugulat, pero agad akong napatingin sa hubad nyang katawan. Natatabunan ng kanyang makapal na buhok ang kanyang dibdib, tinitigan ko rin ang maganda nyang mukha. Blangko yun at walang ekspresyon ang kanyang mga mata. Pero nilamon na ako ng tukso. Ginawaran ko ng masuyong halik ang aking nobya. Ang lambot ng kanyang labi pero bumitaw ako agad dahil parang yelo yun sa lamig. Akmang magtatanong na ako sakanya kung bakit kakaiba ang lamig ng kanyang katawan, pero sya naman ang humalik sa akin. At tuluyan na akong nadala sa agos ng pagnanasa. Nang gabing yun, may nangyare sa amin ng gf ko. Binalewala ko ang lamig ng kanyang katawang dumidikit sa akin, dahil napalitan yun ng naglalagablab na bugso ng aming mga damdamin.Kalagitnaan ng aking pagtulog ay nagising ako. Napatingin ako agad sa aking gilid, nakatalikod ulit sa akin si Maxine at mahimbing na ang tulog. Bumangon ako para magbanyo, pagbalik ko ay nakita ko ang aking phone na naiwan ko pala sa sofa. Dinampot ko yun kaagad, 2am ang oras. Pero nagsimula akong kabahan nang makita ko sa screen ang ilang missed-calls at text messages. Bakit di ko manlang narinig na tumunog 'tong phone?Napalunok ako. Kay Maxine galing ang lahat ng texts and calls. Dahan-dahan akong napatingin sa pinto ng kwarto sabay baling ulit sa phonescreen. In-open ko ang imessages at doon na ako kinilabutan sa mga tumambad na mensahe mula sa aking gf.9:30 pm- "Love sorry di ako nakareply agad, nakaidlip na ako e. Buti nakauwi kana."9:31 - "Kumain kana ba?"9:34 - "Sana nagpapahinga kana Love"9:35 - "Imissyouuuu. Punta ko dyan bukas love"9:37 - "Goodnight love"12:00 am - "Love, naalimpungan ako, nanaginip ako ng masama."[12:30 am- more than 20 missed calls]Halos mabitawan ko ang aking cellphone noon. Nanlamig ang aking mga kamay at pinagpawisan ako ng malapot. Pilit kong isinisink-in sa utak ko ang mga nangyare pero hindi ko ma-processed kung anong kahibangan ang naganap.Kung ganun, wala sa bahay na yun ang gf ko, pero sino ang babaeng kasama ko? Sino ang nakatabi ko sa aking kwarto? —This is one of the creepy stories na ikinuwento sa akin ng aking cousin na si kuya Kenzo. High School teacher na sya ngayon, and that happened 2 years ago. Kaya ikaw. Oo ikaw na nagbabasa, never missed a text from your jowa. Pero kung wala ka namang jowa, aba'y di magtahan kanalaang. No need to worry. Kainaman iyan.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now