COVID PUI/PUM (Parts 1 & 2)

65 2 0
                                    


Part 1

Hi.. matagal na ko reader dito sa page na to... and this is my first time to share my experienced and it was happened about a week ago....

Isa rin po akong Frontliner na nakikipag sapalaran para maging maayos ang paglalagian nang ating mga magiging pasyente... hindi po ako nurse or doctor pero isa po ako naassign para mag set up sa isang unibersidad dito sa manila para dun muna mag sstay ang mga PUI at PUM sa bawat building ng paaralan... habang nag seset-up kami.. may mga guard at mga janitor na kami nakausap about sa school na un.. sabi nga nila.. may kwento sa bawat building na yun... may batang laging takbo ng takbo, may nagbubukas at nag sasara ng mga ilaw, at may babae na lagi susunod sayo kapag inaabutan na ng dilim doon... dati kasing malawak na talahiban un at may mga biktima na din ng panggagahasa doon at pinapatay bago pa yun gawin isang unibersidad... at alam ko un.. dahil sa likod nun dun ako lumaki.. dahil dun ako nakatira malapit sa seminteryo... oo guys dalawang seminteryo ang malapit dun isang pampubliko at isang pribadong seminteryo... first time ko nakakwentuhan ung mga guard dun.. kasi di ko naman napasok ung loob ng unibersidad kahit malapit lang ang bahay namin dun... di ko na iisaisahin kwento nila.. ung naranasan na lang namin... habang nasa 3rd floor kami ng building... every bed nilalagyan namin ng mga hygene kit ng mga pasyente lahat ng daily needs nila nilalagay nanamin.... iba talaga pakiramdam nun.. dahil kanya kanya kaming room na inaayos... ng may narinig ako na isang babae na parang umiiyak.... akala ko ung kasama ko lang baka may kausap sya sa c.p.... pero hindi.. nagulat pa nga ko ng bigla nya ako tinawag para tanungin kung tapos na ako... kaya tinanong ko sya...
ME: nasan ung mga kasama natin?
HER: nasa baba na sila iaakyat na daw ung mga electric    fan isa isa... bilisan mo tara na baba na tayo..."

di na ko nagsalita kasi feeling ko iba din pakiramdam nya that time..... sa tagal ko na syang nakakasama iba ang reaction nya... bumaba na kaming dalawa... pagbaba namin saka ako bumulong sakanya...

ME: be may kausap ka ba kanina or may narinig ka ba?
HER: kaya nga nagmadali ako.. pinuntahan na kita.. ayoko na dun pa natin pag usapan un... kasi nung may narinig ako na umiiyak iba na agad pakiramdam ako at alam kong hindi ikaw un dahil hawak ko ang c.p mo...
ME: tangina be ayoko na umakyat dun antayin na lang natin sila matapos mag akyat ng mga electric fan..

kaya nag decide kami na magstay na lang sa baba at nakipag kwentuhan sa guard habang nag aantay sa iba na matapos.... hindi na namin sinabi sa guard ung narinig namin sa taas.. nagtanong na lang ako na "kuya.. may ibang kwento pa ba dito sa building na to about dun sa mga kwento nyo kanina na batang tumatakbo?" ang sabi ng guard "opo mam may dating studyante dito na babae na tumalon sa building from 4th floor... di namin alam kung ano dahilan pero madalas sya makita or marinig na umiiyak sa 3rd floor.... putchaaaaaaa simula nun di na kami bumalik dalawa ng kasama ko kahit may last day pa kami kinabukas para mag set up dun... hindi na din namin kinuwento sa mga kasama namin baka wala na talagang bumalik dahil one day na lang ilalagay na dun ang mga pasyente ng COVID19...

Part 2

Hi Guys... Sorry kung di masyadong detalyado ang story ko last night... This time, gusto ko lang sana sabihin sainyo na  kanina kailangan namin mag extend ng rooms sa mga patient dahil sad to say na hindi na po talaga kakasya ang mga patient sa building kung san meron kami naexperienced na di maganda....

So eto na nga... Di sya spritualy na nakakatakot pero para sakin mas nakakakatakot ito kesa sa part 1... Habang kumakain kami sa loob ng building at nagpapahinga.. biglang may ambulance na nag wangwang sa labas ng building... Lahat kami napatayo... Ang buong akala namin may susunduin ng pasyente para ilipat ng hospital... Hindi pala.... Nakita na lang namin na may binababa na silang patient para ipasok sa loob na inaayos naming building..... Eto ung masakit at nakakatakot sa part namin.. weather pui or pum sya, kaming lahat ay close contact sa tao pinasok sa loob... 😔 Without any PPE na suot baliban sa mask... Sobrang nakakaawa lalo sa mga guard natin na kanya kanya kami nagtatakbuhan para di kami mahawaan ng virus.... Ang sakit isipin na kung isa tayo sa kamag anak ng pasyente or kung tayo ang nasa sitwasyon nila...  daig pa natin kriminal para layuan ng mga tao.... Gusto ko lang ishare sainyo for the last time at idugtong na din sa nauna kong kwento ito... So guys... Lalong lalo na sa mga tiga q.c.... please STAY AT HOME... mauubusan tayo ng pasilidad kung lalo dadami ang magiging infected nito... GODBLESS US.. GODBLESS PHILIPPINES....

Sa mga nagtatanong... Ang Quezon City po is under Metro Manila.... At ang kwento po ay nangyari sa QCPU at ngaun po ay QCU na... Siguro dapat lang na malaman ng kapwa ko kababayan ang area para po iwasan na natin ang paglabas ng bahay kung di naman po kailangan... INGAT PO TAYO AT MABUHAY ANG MGA FRONTLINERS... sabay sabay po natin sila isama sa ating mga prayers...🙏

FRONTLINERQC

Scary Stories (Unedited)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora