Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 3 & 4)

32 2 0
                                    


Part 3 : The Fullfilment of Vision, The Lost of my Faith


Hi Admin and Spookifywonderers its Ediwow Caluag.Plot and Twist,Maaaring napapaisip kayo (ako din that time), kung bakit sobrang Involve ako sa Game Plan ni BigBoss at sya pa mismo ang nag request sakin for this Case, samantalang wala naman akong Psychic Ability !The answer is dahil wala nga akong Psychic Ability, we all know sa lahat ng kwentong katatakutan Fictional or Real Life man, ang mga taong may Psychic Ability ay mas lapitin ng mga Entity or Elemento, sa kadahilanang mas makapal ang kanilang Spiritual Aura, compare sa taong walang Psychic Ability, mas kumakapal ito ng 4 or 5 more times once na sa Meditative State sila, like Praying, Attuning and Meditation. Dahilan para mas maakit nila ang mga Entity, sa kasong ito ay SANA (tandaan nyo tong SANA) ay malaya SANA akong makagagalaw sa loob ng Rest House, dahil maoOverwhelm or macoCover ng Aura nila (Psychic) ang Aura ko, magiging Undetectable or Under the Radar SANA ako, kahit nga daw mag sayaw pa ako ng DYNAMITE ng BTS ay di ako papansinin ng Entity sa Rest House, ngunit may ginawa akong KAISTUPIDUHAN along the process, dahilan para masira ko ang Game Plan nila BigBoss. (Malalaman nyo sa story)Flip Side Part,Naalala nyo pa siguro yung Old House in Laguna? yung 1st time ako nakasama sa group nila BigBoss and Co. 1am na ng makauwi kami sa HQ (sa QC) after that Case, pinauna na nila ako umuwi dahil pagod and shocked pa rin ako, sila Kuya K ay nagtagal pa sa HQ hanggang 2:30am, at ako ang naging pulutan nila sa kwentuhan. Tinanong ni BigBoss kung may SAYAD daw ako? Sagot naman ni Kuya K ay matino naman daw ako pero makulit lang, Point Out naman ni BigBoss na di daw yun yung gusto nya palabasin, ngayon lang daw sya nakakita ng taong pag NATAKOT, KINABAHAN at NATARANTA imbis na tumakbo palayo eh pumapasok pa daw sa gitna ng eksena. Kaya natawa si Kuya K at sabing "yeah that was Weird" pauwi na sila Kuya K ng akbayan sya ni BigBoss at nag wikang "I like that kid (Ako) i want him next Case"Kasalanan mo to Pareng Xel, lagi kang nakatago sa likod ng Lop Top, kaya ako ang binabala sa Kanyon.Note: kung inaakala nyong puro kalokohan lang at kabulastugan sa katawan ang pinag gagagawa ko sa mga Quest namin nila BigBoss and Co. Nagkakamali kayo, kaya naman samahan nyo kong magbalik tanaw sa isa sa mga pinaka di ko malilimutang karanasan, and as i promise dun pa sa Part 1 dito nako masasabon ng bonggang bongga ni Kuya K, and ito na ang pinaka thrilling part ng kwento ko.Quotable Quotes: di lahat ng bagay ay pwede nating idaan sa biro, may tamang oras at panahon ang pag bibiro, dahil maaring ito ang mag hatid satin sa kapahamakan. Yan ang lesson na natutunan ko, so lets go down the wire.Ako na lang mag isa sa safezone, sobrang dilim tanging linawag na lang ng kandila ang nakikita ko, may flash light ako noon incase na kailangan ko ng pumasok sa eksena. Tahimik tanging mga dasal na lng ng mga psychic ang naririnig ko, patuloy pa rin ako sa pag dadasal ng St. Micheal prayer in Latin. Iniisip ko na sana di si BigBoss ang unang himatayin, dahil pag nangyari yon eh sa van ko na lang sya papahila dahil di ko sya kaya pasanin. Maya maya ay binasag ng isang hiyaw ang katahimikan, si Ate Jin takot ako noon pero no choice, tinigil ko ang pag dadasal at tumakbo papunta sakanya. Ng makarating ako sa room kung nasan sya ay nakaupo nato sa sahig at nakasandal sa paanan ng kama, namumutla ito at pawisan, parang may maliliit itong marka sa leeg na mistulang hinawakan ito ng mahigpit, kaya nilapitan ko sya agad, sinilip naman kami ni Kuya K na nasa katabing room lang, pag lapit ko kay Ate Jin ay nakatingin ito sakin sabay bigkas ng "MALIGNO" (di ko sure kung yun ba yung nakita nya sa room or dahil nakatingin sya sakin kaya nya nasabi yon anyways) inakay ko na sya palabas, nasa bandang pinto na kami ng matapakan ko yung sintas ng sapatos ko, kaya sinandal ko muna si Ate Jin sa pader sa labas ng room katabi mismo ng pinto. Sinisintas ko na yung sapatos ko (bali ang position ko is nakatayo ako at inaabot yung paa ewan anong term yun basta para akong nakatuwad) nasa gitna ako ng pinto sa mismong doorjam or damba, ng biglang humpas yung pinto pasara at tinamaan ako nito habang nakatuwad position, kaya nasubsob ako palabas ng room. Naiinis ako noon pero dinaan ko sa pabirong sabi na "PAG IKAW NAKITA KONG MALIGNO KA PAPUPUTIIN KITA SA SUNTOK" di ko napansin nasa labas na din pala si Kuya K sa katabing kwarto, dahil narinig nya yung malakas na paghampas ng pinto samin. Dito ay 1st time kong narinig magalit si Kuya K, sinabihan nya ko ng "Puro ka kalokohan hindi sa lahat ng oras ay madadaan mo sa biro ang lahat, baka yan pa ang magdala sayo sa kapahamakan" kilala ko si Kuya K noon pa, di sya madaling magalit, kaya naman nag lakad na ako at lalapitan ko na sana si Ate Jin para ilabas ng bigla akong hilain ng malakas ni Kuya K. Napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas, kala ko kaya nya ginawa yon ay dahil sa galit nya sakin. Ng biglang may tumilapon na vase sa pagitan namin ni Ate Jin na nakasandal pa rin sa pader malapit sa pinto, kung di ako hinila ni Kuya K ay siguradong sa mukha ko tatama yun, kaya nag pasalamat ako sa kanya, pero di nya ko pinansin at bumalik sa toka nyang room. Nagmamadali akong ibaba si Ate Jin at nasa hagdan na kami, mga 5steps bago kami makarating sa mismong sahig ng bigla akong nadulas, buti na lang nakakapit si Ate Jin sa handle sa may hagdan kaya napigilan nya ito, pero ang mas maswerte sa lahat ay may bigla nanamang vase na lumipad papunta sa direksyon ko, kung nag dirediretso kami non ay sure sakin na naman tatama dapat yun. Kaya napasabi na lang si Ate Jin "Hooooo that was so close" saktong pag labas ni BigBoss galing Kitchen at CR/Bathroom, dumiretso na ito sa Salas at dun nag dasal.Sinabihan ni Ate Jin si BigBoss na di nya natapos yung pag dadasal sa toka nyang room at binalaan nya ito na isang Maligno ang ng gagambala sa Rest House, sumagot naman si BigBoss na sya na lang ang gagawa pag tapos nya sa salas at iiinform nya ang grupo about sa intel ni Ate Jin, kaya naman nag madali nakong akayin si Ate Jin palabas habang nanjan si BigBoss, dahil pagkakataon ko na ito at di na mahagisan ng vase. Salamat sa Diyos nailabas ko na si Ate Jin, ng nasa van ay binigyan agad ni Pareng Xel si Ate Jin ng tubig, ng mejo okei na ito ay nag kwento sya sakin sa nangyari dun sa room, nagdadasal daw sya ng biglang may sumakal sakanya at iniangat sya nito, kaya sigurado syang isa itong Maligno (napawi yung duda ko na baka ako yung sinabihan nyang mukhang maligno), at nilarawan ni Ate Jin ang itsura nito, katamtaman lang ang taas nito, matulis ang mga tenga at kuko, makapal ang balahibo sa parteng braso papuntang kamay at bandang paanan, maitim ang buong katawan at nanlilisik ang mga maiitim na mata nito pero pula ang gitnang mata (eyeball) kasing pula ng dugo (Imaginin nyo yung itsura). Ngunit nanlaban si Ate Jin, patuloy syang nagdasal at winisikan ng Holy water yung maligno kaya nabitawan sya nito, pabalik na sana ako sa loob ng balaan nya ako, kaya daw nagalit si Kuya K sakin kanina sa pagbibiro ko ay delikado daw iyon, kilala ang mga maligno na di malinaw ang paningin pero napakatalas ng pandinig nito, kaya rinig na rinig daw nito yung mga sinabi ko kanina. Para sakin ay isa itong biro pero para sakanya ay isa tong paghahamon isang insulto, kaya dapat mag ingat daw ako, kaya kung napansin ko daw mukhang ako na ang pinupuntirya ng maligno, naisip ko nga ito dahil di gaya sa Laguna Case ay untouchable ako pero dito iba na nga. Natakot ako sa sinabi ni Ate Jin pero may narinig nanaman kaming isang hiyaw, si Ate Ann yun sigurado, kaya dali dali ulit akong tumakbo papasok.Nag madali nakong bumalik sa loob, wala na si BigBoss sa salas malamang nasa room na yun kung san nag dadasal si Ate Jin kanina. Tumatakbo na ako paakyat kung nasan si Ate Ann, mga ilang hakbang na lang ako para makatapak sa unang baitang ng hagdan ng biglang di ko maihakbang ang mga paa ko, parang may humahawak dito, sinusubukan pero di ko talaga maigalaw. Naninigas din ang katawan ko pero bahagya kung nagagalaw ang mga kamay at ulo ko, biglang umihip ang malakas na hangin galing sa likuran ko at biglang Bang !!!! humapas ng malakas ang main door at nagsara ito, kaya naman nilingon ko ito nakita kong natanggal yung talisman paper na dinikit ni BigBoss, naisip ko na baka eto nga yung sinasabi nila Ate Jin at Kuya K, mukhang hinihintay lang ako ng maligno na pumasok, kaya ibinaling ko ulit yung tingin ko sa hagdan. Hinawakan ko ang Medallion of Saints at nag dasal, dahil sa takot at taranta ay Our Father in English ang nadasal ko, di ko ito magbikas ng maayos nauutal, nabubulol at minsan nakakalimutan ko yung mga words, dala na rin siguro ng matinding takot. Ng biglang lumamig ng sobra sa bandang likuran ko, may narinig akong mga yabag ng paa galing sa likod ko at papalapit sakin, pinilit ko pa ring magdasal pero di ko talaga maiusal ng maayos, napahinto ako sa di ko matapos tapos na pagdadasal ng mapansin kong parang may dumadaloy sa noohan ko, pinunasan ko ng kamay ko ito at nagulat ako mapulang likido, inamoy ko at kasing langsa ito ng dugo. Naalala kong pinahiran kami kanina ni Father ng oil sa noo, talagang matinding nilalang ang nandun at di nya talaga ako patatawarin sa ginawa ko, ng biglang dumagundong ang isang napakalakas natawa mula saking likod, para itong tawa ng isang diyablo at halatang nangungutya ito sakin, dahan dahan itong naglalakad mula sa likod ko kaya minabuti kong wag itong lingunin, dahil siguradong makikita ko ito kahit wala akong third eye ayon kay Kuya K. Dito ay biglang nag balik saking alala yung pangitain na nakita ko sa simbahan habang nagdadasal ako, ganitong ganito yun, nakatayo ako sa madilim na lugar, liwanag lang kandila ang nakikita ko't nagdadasal, at merong nilalang na tumatawa sa aking likuran habang papalapit sakin. Eto na nga ang babala ni St. Micheal sakin, nanginginig nako't walang magawa kaya sa isip ko bahala na ang Diyos, ng biglang may narinig akong malakas na tinig. Si Kuya K pababa na ito galing sa toka nyang room, papalapit sya sakin habang iniuusal ang Our Father in Latin, nag wiwisik din sya ng holy water papunta sa direksyon kung nasan yung maligno, mas lalo pang nilakasan ng kampon ng kadiliman ang tawa nito. Sa puntong yun ay parang pasigaw ng winika ni Kuya K ang St. Micheal Archangel Prayer in Latin in Commanding Voice, mukhang tinatablan na yung maligno, muling umihip ang malakas na hangin pero this time palabas na ito ng Rest House kaya naman nag bukas na ang main door. Nawala na ang maligno napaluhod ako non, yung feeling na hawak ka ng dalawang tao't nagpupumiglas ka tapos bigla kang binitawan, naiigagalaw ko na ulit ang mga paa ko kaya dali dali akong tumayo, nasa unang baitang ng hagdanan non si Kuya K, pero di pa rin nya ako kinikibo at nakatingin lang sakin, usually tatanungin nya ko kung okei ako pero wala, kaya umakyat nako sa room kung nasan si Ate Ann, pagdating ko nandun na rin pala sa loob si Kuya M mukhang tapos nato sa toka nya, dahil may talisman paper na yung pinto ng room nya. Sinabihan ako ni Kuya M na dalhin ko si Ate Ann sa labas at sya na lang ang tatapos dun, habang akay akay ko si Ate Ann ay nagkwento naman ito kung anong nangyari sakanya, nag dadasal din daw sya ng biglang may humila sa buhok nya at kinaladkad sya nito, buti na lang daw dumating si Kuya M at napalayas nya yung maligno. Ng mailabas ko na si Ate Ann ay di nagtagal lumabas na rin yung ibang psychic, pawisan talaga kaming lahat kahit malamig sa loob ng Rest House. Dito ay nagtanong si Pareng Xel kung tapos na daw ba? sinagot naman sya ni BigBoss na hindi pa, kailangang makita namin yung Point of Entry ng maligno.To be continued . . . .Added Info: Kuya K vision's revealNgayon lang pinagtapat ni Kuya K ang kanyang Vision sa simbahan as in ngayon lang (June 23 2021), una daw nyang nakita sa Vision nya is Makinang na Kalasag (Shield), kaya naguluhan sya, dahil ang meaning nito is may kailangan syang Protektahan, kaya may ginawa sya para mas maintidihan nya kung anong meaning nito. Dito sunod nyang nakita na nakatayo ako, pero ang position ko is nakadipa (yung parang nakapako sa krus) at nakita nya rin na hawak hawak ako sa leeg ng isang maitim na nilalang (which is yung maligno)PS: pasensya na mga giliw kung Readers kung bakit na delay. Pano 1st time na nag Online lahat ng Psychic (BigBoss, Kuya K,M Ate Ann, Jin Ate Shai at Kuya I), kanya-kanyang suggestion na ganito daw so far so on, ending may Royal Rumble sa GC namin ngayon. Kuya K,M VS Ate Ann,Jin sila Ate Shai at Kuya I walang pake, kasi di naman daw sila kasali dito, si BigBoss ang referee, kami ni Pareng Xel chill chill lang ahahaha
Till next time see you at Part 4 Finale . . .

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now