13

34 3 0
                                    



Pumwesto na kami ni Jameson sa gitna, hinawakan na nya kamay ko "you're nervous?" Bulong nya saakin pero di ako sumagot.


Oo alam kong kinakabahan ako kasi first time kong sumayaw sa harap ng mga tao.


Nag-start na ang music at ginawa namin ang mga adlibs, after naming mag adlibs ay nag-skate kami paatras habang magkahawak ang kamay namin.


He's staring at me while we're dancing "don't worry walang jumps 'to" sabi nya at hinawakan ang bewang ko at binuhat ako.


Ay hala hindi ko ineexpect yun!! Binaba nya ako "bat mo ko binuhat? Wala naman sa steps ni mommy yun?" Bulong ko at magkahawak ulit kamay namin.


"Because i want to" sabi nya at humiwalay saakin. Nag-skate kami at nag-spin.


Aminin ko man o hindi, marunong talaga ako mag double salchow pero di ko alam kung kakayanin ko ba, i will try it.


Nang magkatapat kami ni Jameson from different sides ay nag-skate kami papunta sa isa't-isa saktong nasa kalagitnaan na ang kanta.


Nang nalagpasan namin ang isa't-isa ni Jameson ay nagulat ang lahat pati rin si Jameson ng sabay-sabay kaming nag-double salchow.


Kahit walang jumps dito iniiba lang namin ang steps dahil baka mahalataan na steps ni mommy yun.


Lalo na't unti lang nakakaalam na isa akong anak ng iniidolo nila noon.


Nang hawakan ulit ni Jameson ang kamay ko ay nag-salita sya "akala ko ba hindi ka tatalon?" Tanong nya.


Malapit na matapos ang kanta "nah, i'm just trying to jump pero nagawa ko naman" sabi ko at humarap sakanya.


Nasa gitna na kami ng Ice rink at hinawakan ko mukha nya at sinandal ang ulo ko sa balikat nya habang sya ay hawak ang bewang ko para mayakap ako.


Natapos rin ang kanta kaya nasa ganung position parin kami, narinig naming nagsi-palakpakan ang mga tao sa labas ng rink at sa labas mismo ng ice Skating.


Umayos na kami ng tayo at nag-bow sa mga audience sa labas, may sumisigaw pa ngang 'bagay kayo'


Dun ako nahiya sa mga sinasabi nila "OMG Aki!! Hindi ko know na marunong ka rin pala mag-skate" salubong saakin ang coach nila Jameson.


"Wala lang po ito, inaya lang po ako ni Jameson sumayaw sa gitna saka tinuruan po ako ni mommy mag skates noon" sabi ko at niyakap kami ni Jameson.


"Bihis lang ako" paalam saamin ni Jameson at umalis sa tabi namin. Siniko ako ni Benjie "ano relasyon nyo ni kuya?" Sabi nya habang taas baba ang kilay nya.


"Oo nga, ano relasyon nyo ni Jameson? Close na close kayo" tanong rin saakin ng coach nila "friend lang po hehe" sabi ko.

Dancing On The Blades[Completed]Where stories live. Discover now