23

31 2 2
                                    


"So hanggang anong oras kayong mag-titigan jan?" Tanong ko sakanilang dalawa ni Jameson at Tricia.




Nandito kami sa hallway and it's already 4pm!! Wala ng masyadong tao dito sa campus dahil nagsi-uwian na ang mga students dito.




"Saakin sya sasabay" sabi ni Jameson at hinatak palapit sakanya.






"Hindi, saakin sya sasabay" sabi ni Tricia at sabay hatak sa isa ko pang braso.




Yumuko nalang ako at pinakinggan ang mga pinagsasabi ng dalawa.





"Saakin si Aki sasakay"-Tricia.




"Saakin sya sasabay, lalaki ako kayang-kaya kong protektahan sya"-Jameson.




Ay nakalimutan ko palang sabihin sainyo na kinuwento ko rin kay Jameson ang nangyari saakin kagabi.





Nag-aalala sya bigla saakin ay sinabi rin ang katagang 'ako na ang maghahatid at magsusundo sayo.'





See? Same braincells ampota.






"Ayokong isabay mo si Akira dahil baka mapano nanaman sya"-Tricia.





"Di mo ba ako narinig kanina? Lalaki ako, kayang-kaya kong protektahan yang kaibigan mo, nakailang ulit na ako ahh"-Jameson.





Sige away lang kayo jan basta ako makikinig nalang ako sainyong dalawa.




"Wow ah, bakit jowa ka ba ni Akira?"-Tricia.



"Oo bakit? Aangal?"-Jameson.




Napaangat ang paningin ko kay Jameson at tinignan nya rin kami. Nilingon ko si Tricia at nakita kong nanlaki ang mga mata nya.






"Hoy bakla ka!! Bakit di mo sinasabi saakin? Ganyan ka na ahh, wala fake friend" reklamo ni Tricia habang nakahawak pa rin sa kaliwang braso ko.





"S-sorry na, kapag sinabi ko sayo baka magalit ka saakin" sabi ko at yumuko ulit.






Nakita kong napasapo sa mukha si Tricia. Oo nga pala ayaw nya pala si Jameson.





Nagulat ako ng hilahin ni Jameson ang kanang braso ko "saakin pa rin sya sasabay" sabi nya.






Hinila naman ni Tricia ang isa kong braso "hindi, saakin sya sasabay" sabi nya at napamewang.





Pumikit nalang ako at tinitiis ang sakit sa mga sugat kong nauunat na!!





"Saakin sya sasabay" rinig ko sa harap ko. Pag-mulat ko ay nakita ko si kuya Ryan na nakapamulsa.




Agad namang bumitaw ng hawak ang dalawa sa braso ko.




Lumapit saakin si Kuya at hahawakan na nya sana kamay ko ng biglang may humawak sa isa ko pang kamay ko.



So maghihilaan rin kayo?




"Nope, saakin sya sasabay" sabi ni Jameson at humigpit ang hawak nya saakin. Kuya scoffed "do you think i will let you to be near to my cousin?" Nakangiting sabi ni kuya at hinila na nya ako ng tuluyan.





Inakbayan nya ako at naglakad na kami palabas. Nilingon ko pa ang dalawa.



Nakita kong umalis na si Tricia dun habang si Jameson naman ay nakatingin saamin.




Dancing On The Blades[Completed]Where stories live. Discover now