5

16 2 223
                                    

Isang nakakakiliting pakiramdam ang gumising sa lahat ng sistema ni Raja. Nang siya ay magmulat ay saktong tumama ang kaniyang paningin sa kaniyang ama, na noon ay nakangisi sa gitna ng kadiliman, at sa kaniyang bandang paanan.

Nanlaki ang mga mata ni Raja. Sa gulat ay napaupo siya agad at marahas na nahila ang kumot!

Ngunit ganoon na lamang ng kaniyang takot nang higitin ng ama sa direksyon nito ang kumot! Labis na bumilis ang tibok ng puso ni Raja dala ng takot, sa ekspresyon nito. Ang mata nitong mamula-mula ay nangingibabaw sa  kadiliman  ng silid. Sa simoy ng hangin at sigurado si Raja na malalim pa ang gabi!

"A-Ama!" nanginginig na tawag ni Raja.

"Matagal na akong nagtitimpi sa iyo..."

"A-A—"

Sa biglaang puwersa ng ama ay nahigit na nito ang kaniyang paa. Marahas na lumabas ang mga luha ni Raja, pakiramdam niya ay mahihimatay siya sa labis na emosyong nararamdaman sa mga oras na iyon.

"Ama!"

Pinilit niyang bawiin ang paa niya mula sa mahigpit na hawak ng sariling ama, ngunit dahil sa hina ay wala siyang nagawa! Naiyak  nang tuluyan si  Raja dahil sa mapait na emosyong lumalamon  sa kaniya nang gabing iyon.

Halos nakapatong na sa kaniya ang kaniyang  ama at wala siyang magawa kung hindi ang paimpit na iyak.

May binulong pa ito na halos hindi niya maintindihan!

Kakaibang pandidiri ang lumukso sa kaniyang sistema. Isang pandidiring kaya nang palabasin ang laman-loob niya sa kaniyang kalooban. Sa tagaktak na pawis ay naroon ang senyales ng panghihina't hirap.

"Mang Bernardo?"

Isang katok ang nagpatigil sa ginagawa ng ama, na labis na ipinagpapasalamat ni Raja. Sinundan ng mga katok ang tinig, na siyang nagpaupo sa ama ni Raja at tuluyang iniwan ang dalaga.

"M-Mang Bernardo... may naghahanap po sa inyo..."

Napamura nang malutong ang ama sa winikang iyon ng isang lalaki, sa labas ng silid. Si Raja naman, tahip pa rin ang kaba'y mabilis niyang  natakpan ang katawan gamit ang kumot, sa marahas na galaw na iyon ay naagaw niyang muli ang atensyon ng ama.

Matagal bago ito umalis sa kinalalagyan. Pigil ni Raja ang mga segundong nakatitig lang ito sa kaniya. Nang makalabas ay roon niya nailabas ang nagbabagang damdamin sa kaniyang kalooban.

Umiling siya. Sa kadiliman ay nasaksihan ni Raja ang nandidilim nitong  mga mata, mata ng isang demonyo na kayang kayang gawin ang pinakamasamang bagay sa mundo.

Ang mukha ni Raja ay namumula habang balot na balot ng pawis  at luha. Umiiling nang paulit-ulit, tulala,  at tanging impit na hikbi't hinagpis ang namumutawi sa bibig.

Parang dinudurog ang kaniyang puso dahil sa karumaldumal na pangyayaring iyon,  na hindi niya lubos na maisip. Hindi alam ni Raja kung paano niya pa nasubaybayan ang mga sumunod na araw habang umiikot ang bagay na iyon sa kaniyang isipan.

Nagkulong siya sa kaniyang silid, na wala namang pinagbago, at hindi na binilang ang paglubog ng mga sumunod na pagsikat ng araw. Ang kaniyang katawan ay mas lalong nalanta't ang mga mata'y nawalan na ng sigla at pagkapuro...

"Ay, Binibini, ang laki po ng sugat niyo sa inyong balikat..."  Iyon ang sabi sa kaniya ng isang kasambahay, na mas bata at mas maliit sa kaniya.

May salamin ang maluwang na palikuran ng mansyon na iyon, halos kalahati ng kaniyang silid sa nayon.

Doon niya lang napakawalan ang tahimik ngunit malalim na paghinga matapos maalala iyon.

"Marami rin pong pasa ang braso't leeg ninyo..."

Ang Inalay na Gumamela✓ (ANLS #3)Where stories live. Discover now